Chapter 45

51 1 1
                                    

ZIAHNA OINOMA POV

"Ma? Anong nangyare bago kami isinilang?" Marahan na tanong ko.

"Paano ka ginawa?" Natatawang tanong ni Jhermi habang nakataas pa ang isang kilay sa akin.

Inirapan ko sila. "Anong love story ang meron sila, iyon ang ibig sabihin ko."

Tumawa si Mama at hinalikan ang noo ko. "Highschool kami 'non ng maging kami ng Daddy mo, sobrang saya ko dahil noon lang ako nakaramdam kung papaano mahalin at mag mahal. Hindi din nag tagal, habang kami na napapansin kuna ang pag-iwas ni Ligaya sa akin. Tinanong ko sya ngunit hindi naman nya ako sinagot."

Huminto sya at ngumiti sa akin. "Hindi na nakayanan ni Ligaya ang pagpapanggap na okay lang sya kaya' dumating ang isang araw na sinigaw nya lahat ang sakit na nararamdaman nya. Mag mula sa pag papalaki ng magulang namin hanggang sa trato ko raw sa kanya."

"Nung nag legal age si Ligaya she set up herself to arrange marriage to Rames. Kasama nya doon ang Nanay ni Rames. Kaya sa huli wala akong nagawa kung hindi mag paraya, panganay ako, e."

"Dumating si Salde sa buhay ko at pinangakong hindi ako sasaktan. Ikinasal kami at sunod 'non ang pag-papakasal ni Ligaya at Rames. Nag karoon ako ng anak kay Salde at iyon ay si Martin habang ganun din si Rames at iyon ay si Akirill. Sumunod 'non ay si Jhermi at nong 1st birthday nya nag kainuman sa bahay..."

"Nalasing ako 'non at akala ko yung sakit na itinago ko wala na pero ng makita ko si Rames isinigaw ko sa kanya lahat ng galit ko, na bakit sya pumayag sa ganung set up nila. Na bakit ang unfair nya. At iyon din ang gabing 'yon ng may mangyare sa amin."

Nag katinginan kami ni Jhermi ng makita naming umiiyak si Mama.

"Ako pa ang may kasalanan?" Bulong ni Jhermi at ngumuso. Sinamaan ko sya ng tingin.

Ibig bang sabihin 'non anak kami ni Naziah sa isang pagkakamali?

"Dapat kase hindi nyo nalang ako hinandaan nung birthday ko, edi walang kambal ngayon. All goods." Parinig ni Jhermi kaya binato ko sya ng unan.

"Ansakit sakit kapag nakikita ko si Salde na inaalagaan pa din ako habang buntis sa inyo kahit alam nya ang tunay na nangyare. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung paano ko sya niloko at bakit parang ganun lang kadali na hindi ko 'man lang sya inisip." Humihikbing aniya.

"D-do you still have feelings for him Mama?" Tanong ni Jhermi.

Marahil natatakot din sya sa isasagot ni Mama, Papa nya ang pinag-uusapan dito at isang sagot lang ni Mama maaaring masaktan sya.

Umiling si Mama. "Wala na. Simula ng isilang ko ang kambal nawala na ang nararamdaman ko sa kanya, yung pagmamahal na naramdaman ko dati 'non kay Rames nakuha ng kambal at doon ko na din itinuon." Nakangiting sagot ni Mama.

"Eh, si Papa? Do you love him?" Tanong ulit ni Jhermi.

Ngumisi si Mama at sumulyap sa kanya. "Yes. Mas mahal ko ang Papa mo kesa sa inyo ni Martin." Sagot ni Mama na nag patawa sa akin at pag-busangot ni Jhermi.

Doon din ako napangiti. Mabuti naman, dahil hindi ko din alam ang gagawin ko sa oras na malaman na may nararamdaman pa si Mama kay Daddy habang meron naman na syang Tito Salde. Mabait si Tito, maalaga sa pamilya, at sigurado akong hindi nya papabayaan ang Mama ko.

Hindi din katagalan, matapos ang mga pinag usapan namin inutusan ko na silang dalawa na umuwi. Lumabas kami kasama ang Kuya ko.

Sa labas na din ng room ko kami nag plano. Hindi ko tuloy maiwasan pag masdan si Memard. Baka ito na ang huling pag-kakataon na makita at mapagmasdan ko sya ng ganito kalapit.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon