NAZIAH POINT OF VIEW
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hindi makatulog. 11 pm na ng gabi at bumabagabag sa akin ang sinabi ni Ziahna kanina.
'Wala na akong pakialam sa iyo!'
Nagpaulit ulit iyon sa tenga ko. Naguguilty ako pero hindi ko alam kung saan. Naiiyak ako pero hindi matuloy.
Kailangan ko ng taong mapag sasabihan ko. Si Vincent sana kaso ayoko ng madamay sya sa problema ng pamilya namin kahit boyfriend ko sya.
To: Kayla
Hi. Are u still awake? I have a problem.Mabilis syang nag reply.
From: Kayla
I'm here to listen. Anong problema mo?To:Kayla
Nag away kami ni Ziahna...Naranasan mo na bang mag selos sa kapatid mo? kase ako araw araw. Paborito sya lahat ng pamilya namin, mula kay lolo at lola hanggang sa Tita ko.From: Kayla
Yes, naranasan ko na sya. Lagi kaming nag aaway ng kapatid ko to the point na nag kakasakitan na kami. Last time nga na nag away kami naospital sya dahil nahulog sya sa hagdan.Napalunok ako sa nabasa ko. Mas lalo tuloy akong naguilty
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Nakatingin sa kisame si Ligaya habang ang kanyang asawa naman ay nakayakap sa kanya.
"Bakit ganito na ang pamilya natin, Rames?" Mahinang tanong nya na para bang nahihirapan na.
Bumitaw si Rames at idinilat ang kanyang mata. "Oras na siguro para sabihin natin kay Ziahna ang totoo. She deserve to know the truth." Sagot nito.
Sunod sunod na umiling si Ligaya na para bang takot na takot.
"Ayoko. Ayoko, Rames. Lalayo sya sa pamilya natin. Mahal ko si Ziahna at ayokong iwan nya ako. Mas mabuting ganito nalang ang trato ko sa kanya kesa mawala sya sa akin." Sabi nya.
Minsan ang pag aaway nya nalang kay Ziahna ang paraan nya para makausap ang anak. Dahil wala na syang maisip na ibang paraan para kausapin sya ng anak.
Parehas lang silang lahat na nahihirapan dito. At sa oras na matuklasan nila ang mga sikreto ng isa't isa parehas din nila iyong hindi makakaya.
ZIAHNA POINT OF VIEW
Ala una na ng umaga ng makarating ako sa bahay ni Memard. Pahirapan pa akong makatakas dahil sa dami ng bodyguards sa loob at labas ng mansyon.
"May balita na ba sa pamilya ni Jandrik?" Tanong ni Kayle habang hinihele ang sanggol. Nagising kase si Jandrik kaya pinapatulog ulit.
"Tinawagan na ng mga pulis ang Dswd, ganun padin ang sinabi. Na sa atin muna pansamantala." Sagot ko at kinuhanan sila ng picture mula sa cellphone ko.
"I know it's selfish to wish this but sana wala ng magulang si Jandrik." Sabi nya at tumingin sa akin.
Mukhang napamahal na talaga sya sa sanggol dahil bumili pa sya ng isang crib at mga damit gatas ng bata.
TATLONG LINGGONG MAKALIPAS
Halos dito na ako nag stay sa bahay ni Kayle umuuwi lang ako kapag umaga na para kumuha ng mga damit ko at para hindi na sabihin ni Ligaya na layas akong bata.
Tatlong linggo na rin akong hindi pumapasok dahil wala naman talaga akong pakialam sa pag aaral ko. Si Memard ay pumapasok pa rin dahil sya nga ang presidente sa room nila at kailangan nya talaga makagraduate dahil pagagagalitan sya ng Ate nya.
"Fresh ba si Baby Jandrik. Bagong ligo." Nakangiting sabi ko. Habang nilalagyan ko ito ng diaper ngumiti ito at kinumpas kumpas ang dalawang kamay.
Hinalikan ko ito sa pisngi matapos bihisan.
Bumaba ako saka pomonta sa sala at humiga sa sofa. Pinadapa ko si Jandrik sa aking ibabaw. 4pm na at uwian na nila Kayle.
"I'm home!" Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni Kayle.
"Ziahna!!" Malakas na tawag ni Nikko kasunod nun. Lahat sila ay nandito pati si Naziah na kasama si Vincent.
Nagtama ang mata namin ni Naziah at umiwas ako. Ako na ang nag sabi na wala na akong pakialam sa kanya simula ngayon.
Kinuha ni Kayle si Jandrik na ngayon ay natutulog na. Ibinigay nya ito kay Manang kaya nag taka ako. Hindi nya kase pinapahawak si Jandrik sa iba kapag nandyan naman sya.
Lahat sila nasa sala at nakatingin sa akin kaya natakot ako. "You'all creeping me out. Stop looking!" Maarteng sabi ko.
"Kailangan ka namin Ziahna." Napatingin ako kay Zedrick ng sabihin nya iyon.
"May competition na magaganap sa school. Bawat section at bawat game ay isang representative." Si Ryuiichi.
So? anong pinuponto nila? na isasali nila ako roon?
"Modeling ay meron na si Naziah ang inilagay namin doon total pangarap nya namang maging artista. Pasok na iyon sa modeling." Si Christ.
Modeling.
Napangisi ako. Ibang klase din ang babaeng ito.
"Sa basketball meron na rin. Anim ang mag lalaro." Pagpapatuloy ni Rhys sa pag sabi.
So? saan ako sasali?
"Cooking si Justine. S-sa s-singing competition nalang ang kulang. Sabi ni Naziah magaling ka daw kumanta." Mahinahong sambit ni Kayle na para bang tinitimbang ang magiging reaksyon ko.
Pagkasabi nya nun ay agad nag bago ang ekspresyon ng mukha ko. Mabilis akong umiling at tumayo.
"Hindi ako mahilig sa musika." Wika ko at pomonta sa kusina
Kahit na gusto kong kumanta ay tinigil ko dahil sa kagustuhan ni Ligaya na mag focus ako sa pag aaral. Bumalik lang ako sa pag kanta nung kasama ko si Marjohn.
Ramdam ko ang pag sunod ni Memard sa likod ko. Kinuha ko si Jandrik kay Manang akmang aakyat na ng harangan ni Kayle ang daraanan ko.
"What's the problem? hmm?" Tanong nya sa marahan na boses.
Huminga ako ng malalim. "Ayokong kumanta. Yun ang problema ko. Gustohin ko man kayong tulungan ngunit ang damdamin ko ay ayaw."
Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. "I wont force you to sing. We wont." Tumango ako at pilit ngumiti.
Umakyat ako sa taas para patulugin si Jandrik. Nang mailagay ko ito sa crib bumukas ang pinto at iniluwal si Naziah na nakahalukipkip na pinag mamasdan ako.
"Nakita ko kung papaano kayo mag yakapan ni Memard. Ate alam mong ex nya si Kayla." Mahinang usal nya kaya tumaas ang kilay ko.
Hindi ko sya sinagot.
"Halos dito kana natutulog, parang dito kana nga nakatira, eh. Ang pangit tignan sa babae na nakatira sa bahay ng isang lalaki na hindi naman kayo kasal." Sabi nya na para bang marunong na sya sa lahat ng bagay.
Humarap rin ako sa kanya at nakahalukipkip na tinignan. "Walang pangit roon. Ang mindset mo ang pangit Naziah. At wala talagang masama doon dahil balang araw titira rin kami sa iisang bubong." Ngisi ko.
Kumunot ang noo nya. "What? wag mong sabihing aagawin mo si Memard kay Kayla?" Taas kilay na tanong nya.
"Ate bestfriend ko si Kayla. Kita ko kung gaano nya kamahal si Memard."
Ngumisi ako. "At bakit pinapakialaman mo ako? hindi kona pina-pakialaman ang gusto mong gawin sa buhay, Naziah. Kung gusto mong makipag kaibigan kay Kayla bahala kana sa buhay mo."
"Malaki kana at may isip. Alam muna ang tama at mali. Mararamdaman mo kung sinusulsulan at binibilog kalang ng isang tao o hindi." Dagdag kong sabi at pinalabas na sya.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
ActionSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...