Chapter 08

79 3 0
                                    

-Memard's POV-

Pinanonood ko syang nakatingin sa mga unang maglalaro ng volleyball. Kakaiba ang tingin nya ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

Blangko man ang ekspresyon ng mukha nya pero makikita mo sa mga mata nya ang lungkot na nadarama nya. Gusto kong umiwas ng tingin dahil may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing may nakikita akong umiiyak na babae. Hindi ko kaya tignan.

Walang emosyon ang mukha nya habang nakatingin sa mga nag lalaro ngunit kitang kita ang pagtulo ng mga luha sa pisngi nya.


"She can't move on." Napatingin ako kay Ryuiichi ng sabihin nya iyon. Hindi sya nakatingin kay Naziah pero alam kung tinignan nya ito.

"What are you saying?" Inis na tanong ko.

Tumingin sya sa akin saka binalik yung tingin sa mga naglalaro. "Obvious naman sa mga mata nya na may nakaraan na bumabagabag sa kanya, na hanggang ngayon hindi sya makalimot roon." Mahinang sabi nya.

Napatingin ako kay Naziah na ngayon ay pinupunasan na ang mga luha nya, dahan dahan syang tumalikod at naglakad palayo. Mula sa dahang dahang paglalakad ay onti onti syang tumakbo papalayo habang bitbit ang sakit na nadarama.


Hindi ko alam pero kusang naglakad ang mga paa ko para sundan sya. Ilang minuto ko syang hinahanap pero hindi ko sya makita. Huli kong pinuntahan ay ang last building tahimik doon at hindi na ginagamit.

May isang room ron na nakabukas ang pinto kaya dahan dahan akong pumasok. Napahinto ako ng makita ko sya. Nakaupo sya sa gilid habang yakap yakap ang tuhod at sunod sunod ang pag iyak. Kumirot ang puso ko habang pinapakinggan ang mga hagulgol nya sa silid na ito. Fuck.

"Why did you choose to leave me?" Yon lang ang sinabi nya pero ang sakit na sa pakiramdam. Kapag makita mo lang syang umiyak o malungkot ay maaapektuhan narin ang mga taong malalapit sa kanya.

Dahan dahan ko syang nilapitan at iniangat ang ulo nya para makita ko sya. Nang makita ko ang buong mukha nya ay nanghina ako.

Para syang susuko na. Kita ko sa mga mata nya ang pagod at paghihirap.

Masiyahing Naziah na kilala ko sa isang iglap tila nag ibang tao sya. Ang mga mata nya na puno ng saya ngayon, ay puno na ng luha.

"H-hindi nya naman ako iniwan diba?" Tanong nya sa akin. Tumingin ako sa mga mata nya at dahan dahang tumango kahit hindi ko alam.

Tumawa sya habang umiiling. "Sabi nya lagi raw syang nasa tabi ko hanggang sa mahanap ko yung kasiyahang matagal ko nang hinahanap." Tumingin sya sa akin. "Sya pala yung kasiyahan ko. Sya pala yung matagal ko nang hinahanap." Matapos nyang sabihin iyon ay sunod sunod na ang pag hikbi nya.

"I-iwan mo muna ako." Pakiusap nya pero umiling ako. "G-gusto kong mapag isa please." Hindi ko sya pinakinggan at niyakap nalang.

Ayoko sya nung una. Ayoko syang maging parte ng Section 5 dahil masyadong mapanganib. Ayoko syang maponta sa amin dahil baka sirain nya lang ang masayang pagkakaibigan namin ng mga kaklase ko. Pero habang tumatagal ay nagugustuhan ko na sya.

Lalo na nung makita ko ang mga kaklase ko na masayang nakikipag kwentuhan at biruan sa kanya.

"No. I won't leave you like that." Tinapik tapik ko ang balikat nya. "You can cry all you want, hindi ko alam kung anong pinag dadaanan mo but I'm here. Section 5 is always here for you. You're part of it."

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon