Ilang chapter nalang matatapos na ito, may mamamatay? Happy Ending ba o Open ending lang?
Abangan...
-VINCENT POV-
DALAWANG LINGGO na ang makalipas buhat ng mga nangyare ngunit hindi na namin nakita pa si Ziahna. Hinahanap na din namin ngayon yung madalas nyang kasama noon.
Ang kasama nya sa Mafia World...
Hanggang ngayon kinikilabutan pa din ako sa tuwing iniisip ang tunay na pagkatao ni Ziahna. I really can't believe it. But it's literally obvious in her face but it's still shocking.
Sumulyap ako kay Naziah na nakahiga ngayon sa kanyang kama habang nakatulalang umiiyak. Araw-araw syang ganyan at isang beses lang kumain sa isang araw. Ni hindi na din sya nagsasalita pa.
Ako lang ang nakaka bisita sa kanya diti sa kwarto dahil lahat pinapaalis nya.
"Vincent am I a bad person?" Tanong ni Naziah na ikinabigla ko. Mabilis akong umupo sa kanyang kama.
"No, you're not. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa yon ngunit kailangan mong pagsisihan ang ginawa mo, Naziah." Mahinang paalala ko.
"Sa tingin mo ba hindi ko pinag sisisihan lahat yun? Araw-araw, oras oras pinag sisisihan ko yun." Sagot nya sa akin.
Humarap sya sa akin habang nanatiling nakahiga pa din. "Masama akong tao, Vincent. Hindi dapat ako ang minamahal mo." Umiling ako at hinawakan ang kamay nya.
"I'll stay with you even if you really are a bad person." Sagot ko.
Ngayon kahit nakita ko na yung bad side nya hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko. Mas lalo ko lang syang minahal. And I'm sure this is the true love.
"H-hindi ko naman talaga alam kung b-bakit ko ginawa yon, p-parang may nagsasabi sa isip ko na gawin ko iyon so I did." Tumingin sya sa akin. "V-vincent I think I'm crazy." Dagdag nya.
Nang sabihin nya yon ay napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa study table nya na puro mga libro ng ibat ibang sakit. Ito ang pinag kakaabalahan nya dalawang linggo na ang makalipas.
Inaalam nya kung may sakit ba sya at kung ano ang sakit nya.
"N-natatakot ako baka k-kung ano ang magawa ko sa'yo, I don't want to hurt you, Vincent." Nanginginig sya at ramdam sa kanyang boses ang takot.
"Do you want to go to a psychiatrist?" Mahinang tanong ko.
Umiling sya. "Lumabas ka na, Vincent." Wika nya na para bang nag ibang tao sya bigla.
Hindi ko na sya pinilit ba dahil baka makasama sa kanya. Sa ngayon kailangan nya lang ay pag-unawa. At iyon ang ibibigay ko.
Tumayo na ako. "Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Wika ko bago isarado ang pinto.
Nang makalabas ako ay naabutan ko si Tita Ligaya at Tito Rames na inaantay ang paglabas ko. "She confirmed it." Sambit ko at napahagulgol nalang si Tita sa aking sinabi.
"A-ano bang nangyayare sa mga anak ko?" Tanong nya habang umiiyak.
Natigil lang kami ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Memard at Ryuiichi at sa likod nila ay yung mga kasamahan ni Ziahna sa Mafia.
Kapwa mga may tali ang kamay nito habang si Memard at Ryuiichi ay may hawak na baril sa kamay.
"Nahirapan kaming pasukin ang hide out nila dahil sa madaming bantay." Si Memard habang nakatingin kay Tito.
Sumulyap si Tito sa kasamahan ni Ziahna. "Bakit tatlo lang kayo? Where's Mikaza?" Tanong nito.
Matalim na tumingin sa kanya yung lalaki na para bang kinikilala ito. "3 weeks na syang nawawala." Sumagot ang isang babae. I think she's Jasmine.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
AcciónSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...