MEMARD'S POINT OF VIEW
Napataas yung kilay ko nung pumasok yung Kuya ni Ziahna kasama ang bunso nilang kapatid.
Why are they always going here?!
Kita ko ang paglabas nilang tatlo, napatingin ako kay Naziah ng hindi sumama sa Kapatid nya, Naiwan si Naziah na nakaupo sa sarili nyang upuan habang nilalaro ang cellphone.
Hindi ba sya sasama sa kapatid nya?
"May family problem sila. Matagal na. Ang kwento ni Naziah ay si Ziahna ang pinag ugatan ng lahat." Rinig kong bulong ni Vincent habang nakatingin kay Naziah.
Bakit naman? sa nakita ko kanina kong papaano tratohin si Ziahna ng mommy nila ay kakaiba. Kung kay Ziahna nag ugat ang lahat bakit mas mukhang si Ziahna pa ang agrabyado ngayon?
Bakit parang kasalanan ni Ziahna lahat ang lumalabas?
"Ang kwento nya rin ay may galit si Ziahna sa lahat ng pamilya nya. Hindi nila alam kung bakit dahil si Ziahna ang isang tao na mas pipiliing sarilihin ang nararamdaman."
Hindi naman talaga sila mag kakaintindihan dahil lahat sila ay may tinatagong sikreto sa isa't isa. Iyon ang nararamdaman ko sa pamilya nila.
Gaano 'man kalaki ang pamilya ninyo kung hindi kayo mag titiwala sa isa't isa hinding hindi sila mabubuo.
"You're close to Naziah huh? Based on what you said, naikwekwento nya sayo pati family issue nila." Makahulugang sabi ko kaya natawa sya.
"Ganto ka rin sana ngayon kaso nag bulag bulagan ka." Makahulugang sabi nya rin kaya napahinto ako.
Dumating na si Sir Carl kaya umayos na kami ng upo. Habang nag didiscuss sya ay panay ang tingin ko sa pintuan. Hindi ako mapakali.
Bakit ang tagal nyang dumating?
Tumayo ako at nag paalam na mag ccr lang. Baka kung anong nangyare na sa kanya. Lapitin pa naman sa gulo ang babaeng iyon.
Hindi pa ako nakakalabas sa budinh namin ng may makita akong anino na dalawa, napahinto ako sa hagdan ng makita ko si Ziahna na kausap si...Ryuiichi?
Dali dali akong nagtago at pinakinggan sila. Hindi ko namalayan na wala rin pala sa room si Ryuiichi. Lagi ko nalang nakikita na mag kasama ang dalawang yan ng patago.
At kung mag sama ay parang matagal na talaga silang mag kakilala.
"Bakit hindi mo pa kase sabihin sa kanya ang totoo?" Rinig kong tanong ni Ziahna.
Anong totoo? kanino sasabihin?
"Not now, Ziahna. Don't meddle this things. Labas ka rito sa ginagawa namin. Mag kaklase tayo at alam kong alam mo kung saan ka lulugar." Sabi ni Ryuiichi na para bang hirap na hirap na talaga syang mag tago ng sikreto.
"18 years old na si Kayle. He deserve to know the truth." Nang marinig ko ang pangalan ko lumabas ako at hinarap sila.
"What truth?" Walang emosyong tanong ko.
Nanlaki ang mata nila at nagkatinginan. "H-ha? wala yon." Si Ziahna.
Bumuntong hininga si Ryuiichi at mukhang hirap na hirap na talaga. Hinawakan sya ni Ziahna para pigilan.
"You're part of Yakuza too." Sambit ni Ryuiichi na nag pakunot ng noo ko.
Is he crazy?
Wala akong matandaan na sumali ako o nakipag lapit sa mafia. Ayokong masangkot sa ganung gulo lalo na't doon namatay ang magulang ko
Gusto ko ng normal na buhay para sa mga magiging anak ko.
"Your parents. Isinali ka nila bago sila mamatay. They are my boss. Ikaw ang mag mamana ng hindi nila nasimulan." Saad nya na nag patigil sa akin.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
AcciónSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...