ZIAHNA POINT OF VIEW
Nagising ako dahil sa tawag mula sa cellphone ko. Pagbukas ko ang daming missed call na nakita ko. Kay Jhermi ay 40 missed called. Kay Kuya Martin na 25 messenge kay Hyunbaek na 10 missed call. Kay Mikaza na 5 missed call at 2 messenge. Kumunot ang noo ko.
Ang unang binuksan ko ay kay Mikaza. Hindi naman basta basta tumatawag iyon kung walang problema.
Mikaza: Jerome got shooted while were chasing tha van yesterday.
Mikaza: Apat ang tama nya. Dalawa sa tyan isa sa balikat at paa. Ayaw magpadala sa ospital dahil kaya nya raw ang sarili nya.
Agad akong tumayo matapos basahin iyon. Binuksan ko yung pinto at dali daling bumaba. Putangina talaga ng lalaking iyon. Gusto nya bang mag pakamatay? Apat ang tama nya ngunit hindi manlang nag padala sa hospital? Siraulo ba sya?
Pagdating ko sa baba nakita ko pa sila Kayle na nasa sala.
"Naziah, hindi tayo nakapasok." Saad ni Christ ngunit dire diretso lang akong naglakad. Hindi ko manlang sila pinansin o sumulyap manlang.
Fucking shit. Pagdating ko sa labas naalala ko na wala pala akong kotse kaya nag taxi nalang ako.
Nang makarating ako sa basement namin agad akong sinalubong ni Jasmine. "Master kamusta?" Hindi ko sya pinansin at nag tungo sa kwarto ni Jerome.
Nang hawakan ko ang door knob nakalock ito kaya wala akong nagawa kondi sipain ito para bumukas. Ramdam kong nakasunod sila sa likod ko. Nang makapasok ako sinugod ko si Jerome na natutulog at sinuntok sya sa mukha.
"Master!" Gulat na ani ni Mikkaella.
Hinatak ko sa kwelyo si Jerome para makaupo ng maayos. "Hindi ka poponta ng ospital?" Matapang na tanong ko.
Hawak hawak nya ang panga nya at nakayuko sa akin, maya-maya tumingin sya sa akin at ngumuso. "Poponta na ko Master. Hindi mona ako kailangang suntukin." Sagot nya.
Tumingin sya ng masama sa likod ko. "May mga sumbungero pala akong kasama." Mahinang saad nya.
Naghalukipkip ako. "Tumayo ka dyan." Tumingin ako kay Jasmine. "Samahan mo syang pomonta ng hospital. Susunod ako roon." Sambit ko.
Nang makaalis sila Jasmine at Jerome nag tungo ako sa sala at doon humiga. "Bakit mo sinuntok si Jerome, Master?"
Ewan ko kung ta-tanga tanga din ba ang isang 'to, e.
"Sinuntok ko sya baka sakaling magising sa katotohanan." Simplenh sagot ko.
"Master hindi namin nahuli yung van na sumusunod sa inyo. May dumating pang back up na van at pinaulanan kami ng bala kaya umatras kami." Pagkwento ni Mikka.
"Okay." Yon lang ang sinabi ko dahil ayoko ng problemahin pa nila yon.
---
Mahigit apat na araw akong hindi umuwi sa bahay dahil gusto kong bantayan si Jerome kung maayos na ba talaga sya. Hindi ko na alam kung anong balita sa maynila ngunit hindi ko na din inalam pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang paggaling ni Jerome.Bumili narin ako ng bagong kotse ko dahil nahihirapan akong gumala.
Nang makitang magaling na si Jerome nag paalam na din ako na babalik na sa maynila. Pinarada ko yung kotse ko sa tapat ng bahay ngunit paglabas ko sa kotse agad ding napakunot yung noo ko ng makitang may isang limousine at dalawang kotse ang nakaparada.
Marami ring bodyguards ang nasa labas. At kapwa nakatingin sa mga paligid na tila ba may aatake ano mang oras. Kinabahan ako dahil alam ko kung sinong mga bigatin na tao ang may ganitong bodyguard na kadami.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
ActionSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...