NAZIAH POINT OF VIEW
Awkward. Yon ang meron sa loob ng room ni Ate sa Hospital. Nandito sina Mom, Mama, Dad, Kuya Martin, at Jhermi. Lahat kami ay nakita namin ang kissing scene nilang dalawa.
Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ano. Natatawa ako dahil alam ko na jinu-judge na sya ng pamilya namin ngayon.
Salubong ang kilay ni Jhermi habang hindi inaalis ang tingin kay Memard. Lumapit si Jhermi at inayayang mag usap si Memard kaya lumabas silang dalawa sa room. Sana lang hindi umiral ang anger issue ni Jhermi.
Parehas pa naman silang dalawang may anger issue, kaso kontrolado ba ni Memard ang sa kanya kaya kapag sinuntok sya ni Jhermi sure akong hindi nya papatulan.
Umupo naman si Mama Cassandra sa tabi ni Ate ganun din ang ginawa ni Mommy. Napapagitnaan nila si Ate.
Inosenteng tumingin si Ate sa mag kabilaan nya. "Bakit ganyan ang mga tingin nyo?" Tanong nito.
"A-anak I mean Ziahna. I'm so sorry for hiding the truth for almost 18 years." Pag-uumpisa ni Mama Cassandra. "N-natakot lang ako—kami. C-can you forgive your Mom?"
Hindi nag salita si Ate. Blangko lang ang mukha nya habang pinagmamasdan si Mama Cassandra. Habang ang mama naman namin ay lumuluha na ngunit hindi sya nag abalang punasan ito.
"Hindi ikaw ang Mommy ko." Nanlaki ang mata namin sa sinabi ni Ate.
Tila ako ang nasaktan sa sinabi ni Ate kay Mama. Mas masakit ang pakiramdam na dineny ka ng sarili mong anak, hindi ko ata kakayanin yon kung sakaling mag ka-anak ako.
Pero hindi ko naman sya masisisi. Valid ang nararamdaman ni Ate.
"Si Ligaya ang Mommy ko." Yumuko si Mama Cassandra at tumango. Tinanggap nya nalang agad dahil wala naman na syang magagawa pa.
Napatingin ako kay Ate na ngayon ay pinagmamasdan ang reaksyon ng tunay na Ina namin.
"Hindi ikaw ang Mommy ko dahil si Ligaya na iyon. Ikaw ang Mama ko." Lahat kami ay napatingin ulit sa kanya ng dugtungan nya yon.
Nang sabihin nya iyon tila nawala ang tinik na nakabara sa aming mga lalamunan. Lahat ata kami nakahinga ng marinig iyon.
Ang mga mata ni Ate ay lumuluha na din habang pinagmamasdan ang Ina namin. Ngumiti sya na ngayon ko lang ata ulit nakita.
"Mama Cassandra." Wika nya na nag pahagulgol kay Mama.
Umiwas ng tingin si Kuya Martin ng mag yakapan si Mama at Ate ngunit kita ko ang pag punas nya sa mata nya. Alam ko kahit gaano sya katigas at katapang magiging malambot pa din si Kuya Martin pag dating sa pamilya nya.
Kagaya nalang ni Kuya Akirill.
Si Mommy naman ay pinagmamasdan lang si Ate, mababakas sa kanya ang inggit. Marahil ay hinihiling nya na sana ay mapatawad na din sya ni Ate.
"A-anak. Pangarap kong mayakap ka ng ganito." Sabi ni Mama at mas lalong hinigpitan ni Ate ang pagkakayakap sa aming Ina.
Sa unang pagkakataon nakita ko ulit si Ate na umiyak at humagulgol na parang bata. Na sa sobrang tagal nyang pinigilan ang emosyon nya ay tila ngayon nya lang inilabas sa mahabang panahon. Paulit ulit lang syang humagulgol, mahigpit ang yakap nya kay Mama na tila ba ayaw ng pakawalan pa ito.
Hindi ko alam kung gaano na ba kasakit ang nararamdaman ni Ate dahil sobra ang pag-iyak nya ngayon. Sobrang sakit siguro ng nararamdaman nya.
Humiwalay si Ate sa pagkakayakap at pinagmasdan si Mommy Ligaya. Ngumiti sya rito at niyakap din kagaya ng pagkakayakap nya sa aming tunay na Ina.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
ActionSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...