MEMARD POINT OF VIEW
Nandito kami ni Ryuiichi sa opisina at nagulat pa ako nung makita ko si Rosie na nandito. Ang sabi kasi ni Ryuiichi mga kasama lang namin ang nandito ngayon sa opisina.
"He's Renald Andaya. He's one of us." Pag papakilala ni Ryuiichi. Inabot ng Renald ang kamay nya at nakipag kamay. Maputi ang lalaking ito at singkit rin ang mga mata.
I think he's a korean. Ang itsura nya ay parang pang k-actor.
"Hindi ko naman na siguro kailangang mag pakilala sayo dahil kilala mona ako. But I will still introduce my beautiful name, Rosie Clifford." Maarteng ani nya.
I rolled my eyes. Ayoko talaga ang maarteng babae.
Marami pang sinabi si Ryuiichi pero wala akong naintindihan hanggang sa maponta ang usapan kay Ziahna kaya mag kainteresado bigla ako.
"She's part of Dera Company. Leader of Dera Organization. Ginugulo nila ang mga illegal business at ninanakaw ang pera." Pag sasaad nya.
Ang sabi ni Ryuiichi binabayaran kami para mapanatili naming maayos ang magiging illegal ng mga tao at siguradohing hindi magugulo ng Dera Organization ang illegal nila.
"Iba ang pangalan ni Ziahna sa Yakuza. Her name is Azi O. Dera." Dagdag nya.
Azi O. Dera.
Napangisi ako. Beautiful name.
"Red Organization. Bagong tayong organisasyon kong saan nag babayad ang mga tao sa kanila buwan buwan para maprotektahan sila. Hindi kilala kung sino ang mga leader na ito pero anlaki na ng nakukuha nilang pera. Umaabot ng trillion sa isang buwan." Napataas ang kilay ko sa narinig.
Trillion in One month? wow.
"Kilala ba ni Ziahna kung sino ang mga leader na ito?" Nagkibit balikat sya.
"Maybe no. Hindi sya makakilos ng maayos ngayon dahil alam na ng pamilya nya na nasasangkot sya sa Yakuza."
"Pinag aaralan narin ni Mikaza ang organisasyon na iyon. Nakaugalian nya yon. Pag aralan bago ireport kay Ziahna." Singit ni Rosie.
Mikaza?
"My sister." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Renald.
"Pito silang lahat na bumubuo ng Dera Organization, si Jasmine na bomb organizer kapatid ni Kim ng Section 3. Si Mikaza na hacker, si Mikkaella na information seeker, si Jerome na kayang gawin lahat because his a boy. Si Marjohn his a ex-leader but his now dead." Sabi ni Renald.
"Which is ex-fiance ni Ziahna." Dagdag ni Rosie na nag patigil sa akin.
Iyon ba ang lalaking sinasabi ni Ziahna? yun ba ang lalaking iniiyakan nya? Fiance?
I thought boyfriend lang. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko na nalaman kong fiance pala iyon ni Ziahna. Malapit ng iharap sa diyos. Kung natuloy iyon paano na ako?
"Bakit nyo pa ba sinasabi sa akin yan?!" Inis na tanong ko saka umiwas ng tingin. Ang pag kakaalam ko kaya namatay iyon dahil iniligtas nya si Ziahna.
Hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan iyon or ano. Pero dapat ngang mag pasalamat ako, dahil kung hindi nya niligtas si Ziahna hindi ko makikilala ang babaeng mamahalin ako. Babaeng nakikita ko ang future ko.
Gulat na tumingin sa akin si Rosie. "Wag mong sabihing inlove ka rin kay Ziahna? ang lakas ng karisma ng babaeng yon ah. Tatlo kayong nabihag." Sinagi sya ni Ryuiichi ng sabihin nya iyon.
Tumingin ako kay Rosie. "Tatlo?" Tumango sya at tinuro kaming tatlong lalaki rito, umawang ang labi ko at napatingin sa kanila. Kapwa silang nag iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
AcciónSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...