Chapter 34

43 1 0
                                    

Hi, guys! sorry for the late update. Nag pasukan na kase at mahirap ang online class lalo na kapag walang maayos na gadget, kaya nahirapan din ako isabay itong story na ito.

I hope you understand, Mwuah!

-------------












Papasok na ako ng gate ng makita ko si Kim na nakasandal sa gate habang nag yo-yosi, nang makita nya ako dali dali syang sumunod sa pag lalakad ko.

"Babe pwedeng pomonta sa teretoryo ninyo? kakausapin ko lang si Jasmine, hihingi ako pera." Pakiusap nya.

"Hindi pwede. Sa oras na pomonta ka doon baka madamay ka." Paliwanag ko.

Sigurado din akong magagalit si Jasmine kapag hinayaan kong maponta ang kapatid nya.

"Sige na." Pangungulit nya pa. "I'll give you my bank account wag ka lang pomonta doon." Sabi ko.

Nakita ko sila Vincent na pababa kaya't nag panggap ako na hindi ko sila nakita.

"Babe." Rinig kong pag tawag ni Kim kaya't mas binilisan ko ang lakad.

Pagpasok ko sa loob ay inilapag ko ang bag ko. Pumasok rin si Kim. "Anong lulutuin ni Justine?" Tanong nya at tinignan ang mga ingredients nito.

"Paris food." Sagot nya.

"Naks, sana all. Yung lulutuin ng kumag kong kaklase ay walang kawenta kwenta." Nakangiwing sabi nya at bumaling kay Jeff at Zedrick na nag lalaro ng bola.

Mabilis nyang inagaw ang bola at driniball yon. "Parang tanga to, akin na nga yan. Papansin ka." Inis na sabi ni Zedrick.

"Sinong sasali sa singing competetion nyo?" Tanong ko kay Kim.

Tumingin sya sa akin. "Si Kayla. Nag presinta sya kahapon, yun nalang talaga ang problema namin." Sagot nya.

Tss. Alam nyang yun ang pinili ko kaya yun din ang pinili nya.

Gusto talaga ng babaeng yun ang kompetensya.

Baliw sya...

Pero kung baliw sya mas baliw ako.

Nahagip ng paningin ko ang matandang babae na nakatingin din sa akin. Nakalimutan kong nanay pala ito ni Justine.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Kamusta ho?" Tanong ko.

Nagulat ako nung mabilis nya akong niyakap. Sandali pa akong natigilan at nabigla sa ginawa nya, bigla kong naramdaman ang yakap ng isang ina kahit hindi ko pa naman nararanasan iyon sa buong buhay ko.

Hindi ko manlang ito naramdaman kay Ligaya.

"S-salamat." Sabi nya. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko.

Mag papanggap nalang ako na si Ligaya ito at sya ang yumayakap sa akin bilang isang ina. "I'm sorry, I'm sorry sa masasakit na salita na sinabi ko sayo." Mahinang sabi ko.

"N-nay masyado na atang nasasakal si Ziahna sa pag kakayap ninyo." Awat ni Justine kaya humiwalay ang nanay nya.

"P-pasensya na." Paghingi nya ng tawad.

"Wala ho iyon, first time kong mayakap ang isang ina." Sabi ko.

Tumingin sa akin si Justine. "Mang huhula ang mama ko, gusto mong mag pahula?" Tanong nya at tumango nalang ako.

Umupo kaming dalawa sa silya at pinalibotan kami ng mga kaklase namin. "Akin na ang kamay mo iha." Inabot ko ang kamay ko.

Seryoso lang na nakatingin ang nanay ni Justine sa palad ko. "Sobra sobra na ang sakit na nararamdaman mo, Iha." Sabi nya na nagpatigil sa akin.

"Puno ng sikreto ang buhay mo. May prinoprotektahan ka ng isang tao na mahalaga sa buhay mo ngunit iyon din ang taong mag papahamak sa iyo." Sabi nya na nag patahimik sa aming lahat.

Tumingin sya sa lahat ng kaklase ko. "Isa rito sa inyo ang pipiliin na mag traydor sa iyo dahil naiipit rin ang taong mahalaga sa kanya." Dagdag nya pa.

Sino naman? at bakit naman ako tratrayodorin nito?

"Ang batang inaalagaan mo ngayon ay mag babalik sa iyo sa katotohanan balang araw." Binitawan nya ang kamay ko at tumingin sa akin.

"Ang kambal mo ay nabubuhay sa selos, alisin mo iyon habang maaga pa." Huling sinabi nya kaya nahagip ng paningin ko si Vincent.

Nakakunot ang noo nya at tila prinoproseso ang sinabi ng matanda.

Hindi ko namalayan na may tumulong luha na pala sa mata ko kaya agad ko iyong pinunasan.

Ang kapatid ko...Nakilala ko sya bilang masiyahin na babae, hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman nya.

Umayos lang kami lahat ng upo ng pumasok si Kayle dala dala si Jandrik. Agad akong lunapit at hinalikan sa noo ang baby.

"Bakit mo sya isinama?" Tanong ko.

Para kaseng baliw, mag 2 months palang si Jandrik next week at kung saan saan nya na dinadala.

"He wants to watch mama's performance." Sabi nya habang nakangiti kaya napairap ako.

Hindi rin katagalan bumaba ako para ibigay ang usb na gagamitin ko mamaya. Pagdating ko sa gymnasium nakita ko si Kayla na kinakausap yung lalaki na nag aayos ng music.

Lunapit ako, tumingin sa akin si Kayla at ngumisi. "Goodluck mamaya, Ziahna." Sabi nya at umalis.

Nanatili ang tingin ko sa lalaki habang inaabot ang usb ko. "Ito ho ba ang gagamitin nyo?" Tanong nya at hindi makatingin sa akin.

"Oo." Sagot ko at umalis na.

My Safe Place [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon