Lunes na at kakatapos ko lang kumain at maligo. Ngayon ang test namin for first grading at 2 pm ang uwian namin ngayon. Maaga.
Wala akong ginawa kondi ang mag review. Ayokong bumagsak lalo na't darating sila Ligaya. Baka sabihin pa nila na sinisira ko ang pangalan ni Naziah, nasira ko na nga noon hindi pa ako nakontento.
Sina Justine, Kayle at Vincent lang ang pomonta kahapon sa ospital dahil busy rin ang iba. Nandon nga ang mama ni Justine ang sabi ay magaling na ito at inaasikaso na nga ng mga nurse dahil akala nila walang mga kamag anak at aamponin nalang ng isang nurse.
Sana nga ay totally magaling na ito para maalagaan nya na si Justine. Nabalitaan kong dalawa nalang pala silang magkasama. Pansin ko na laging madumi ang uniform ni Justine, laging gusot-gusot.
Pagbaba ko hindi na ako nag abalang tignan silang lahat sa kusina. Nauna na akong lumabas kay Jhermi at pumasok sa kotse nya. Wala pa akong balak bumili ng bagong kotse ngayon kaya makikisabay muna ako sa kanya.
Hindi rin katagalan at pumasok na si Jhermi sa kotse nya. Pagpasok nya salubong nanaman ang kilay nya.
Kumuha ako ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan iyon. "Ano na naman ang problema mo?" Tanong ko.
Pag nakikita nya kase ako laging salubong ang kilay nya. Parang tanga. Hindi ko alam kung galit ba sa akin o galit sa mundo, e.
"Wag ka ngang manigarilyo sa loob ng kotse ko!" Sigaw nya at binuksan ang bintana.
Tumingin ako sa kanya. "Yan ba ang problema mo?" Nakangising tanong ko saka ibinuga sa kanya ang usok.
"Yung nangyare 10 years ago!" Sigaw nya at kumunot ang noo ko.
"Ano bang nangyare 10 years ago?"
Huminga sya ng malalim. "Tumawag sila Ligaya non nung madaling araw dahil pinaulanan raw ng bala ang bahay nyo non. Dali daling pomonta ng Japan sina Mama. Ang gusto kong malaman anong nangyare sayo non?" Nag iwas ako ng tingin.
"Ano bang nangyare? buhay pa naman ako non ah? buti nga hindi ako natamaan ng bala eh." Sabi ko.
Inihinto nya ang kotse at humarap sa akin. "Ang sabi ni Mama non ay doon ka daw nangsimulang nag bago. Nag stay sya doon ng ilang linggo Ziahna, kahit bawal para lang matignan ang kalagayan mo. Lagi ka daw tulala at hindi makausap at laging nakakulong sa kwarto. Ayaw mo din daw makita ang mga pamilya mo."
Tumingin ako sa bintana at iniiwasan ang maluha. Hindi ko talaga alam kong anong nangyare non. Basta pag gising ko ay puno ako ng mga sugat sa buong katawan at samantalang sila ni isa ay walang sugat at ligtas.
Yon ang pinag tataka ko, hindi naman ako nadapa lang 'non dahil kung nadapa ako hindi buong katawan ko ang may sugat. Pakiramdam ko may nangyareng masama sa akin habang sila ay ligtas.
Umiling ako saka inisip nalang ang nakakatuwang bagay gaya ng nahulog sa kanal si Akilex nong bata sya.
"Natrauma lang ako non kaya naging ganun ang trato ko sa kanila. Saka ano bang pinag kaiba ng pagtrato ko noon? Ayaw ko naman na talaga sila makita dati palang." Pagsisinungaling ko nalang sa kanya dahil wala naman talaga akong matandaan.
"Fuck! 10 years ng nakalipas, 17 kana. Trauma pa ba iyan?!" Galit na tanong nya
Ano bang problema nito at ang hilig ungkatin ang nakaraan? kawawa ang magiging girlfriend nito pag nag away sila.
"Pinag usapan nila kanina Hyunbaek ang insidenteng iyon at nag aalala sila sayo. Baka raw may sakit ka na. Ano bang nangyare at naging ganyan ka?"
Inis akong tumingin sa kanya. "Mala-late na tayo Jhermi. May test pa." Huminga mona sya ng malalim saka pinaandar ang sasakyan ulit.
BINABASA MO ANG
My Safe Place [COMPLETED]
AçãoSi Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang magandang buhay at mapayapa, kaya naisipan nya na sa kanyang Tita Cassa muna sya manirahan upang ipagpatuloy ang pag aaral, ngayong pag pasok nya s...