This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, locales, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
•••••••
PROLOGUE
Izy's POV
Halos lahat ng katangian ay nasa asawa ko na, si Kade Delgado. Mabait, masipag, walang bisyo, sweet, at higit sa lahat, loyal.
Four years na kaming nagsasama at masaya naman ang buhay namin sa loob ng mga taon na 'yon. Maaga siyang umuuwi tuwing gabi dahil gusto niyang magkasama kaming kumain. Kagaya ngayon, tapos na akong mag-luto at hinihintay na lang siyang umuwi.
Alas siete na ng gabi kaya sure ako na maya-maya lang ay darating na din 'yong lalaking 'yon.
Ilang minuto din akong naghintay bago ako nakarinig ng honk ng sasakyan. Nandito na siya! Excited akong lumabas at nagtungo sa gate.
Naabutan ko siyang nakatayo habang linuluwagan ang neck tie niya. Engineer nga pala si Kade kaya hinayaan ko na rin na siya ang magpagawa sa bahay namin. Hindi 'to kalakihan hindi din naman maliit, sakto lang para sa isang pamilya.
Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang hubarin ang coat niya. "How's work, Hon?" Nakangiti kong tanong.
Ngumiti siya pabalik at yinakap ako. "Okay lang naman. Na-miss kita!" Nakangusong sagot niya.
Dang. Ang cute-cute talaga ng lalaking 'to.
I pinched his cheeks. "Ang cute mo kahit gabi na."
He looked at me like a sad puppy. "Cute lang?" Um-acting pa siya na parang malungkot.
"Oh, sige na, gwapo na."
"Ayun! I love you, Hon!"He kissed my right cheek. He's really sweet.
"I love you too! Sige na, halika na sa loob at lalamig na 'yung pagkain." Hinila ko siya sa loob ng bahay at nagpatianod lang naman siya.
Nang makarating sa kitchen, dumiretso ako sa lalagyan ng plato at kumuha ng dalawa at kumuha na din ako ng kutsara't tinidor habang si Kade ay umupo na.
Inilatag ko ang mga ito at ano pa ba ang kulang? Aha! Kumuha ako ng baso at pitsel na puno ng orange juice at inilagay na ito sa lamesa. Nang makita kong settled na ang lahat, umupo na rin ako. Saka ko lang napansin na nakatitig pala sa akin si Kade. Kanina pa ba siyang ganyan?
"Bakit, Hon? May problema ba?" I asked him worriedly. May hindi kaya siya sinasabing problema sa'kin?
Nakangiti siyang umiling-iling. "Wala. Ang ganda mo kasi,ayan tuloy,napatulala ako!" maktol niya. Hanep talaga 'tong lalaking 'to. Bolero pa rin hanggang ngayon.
"Alam mo? Kumain ka na lang diyan. Napaka-bolero nito," I slapped his arm playfully.
He chuckled. "Hindi ako bolero, Hon. Nagsasabi lang ako ng totoo. Alam mo namang masyadong honest itong asawa mo," kibit-balikat na sagot nito.
"Oh, siya, sige na. Kumain ka na diyan."
Pinagsilbihan ko muna siya bago ako nagsimulang kumain. May-bahay na may-bahay ang peg, 'di ba? Hahaha!