1: SECOND MEET

63 2 0
                                    


Izy's POV

Ang taong nasa harap namin ay walang iba kundi ang principal. Shit na malagkit! Mukhang matatanggal ako sa trabaho nito ng wala sa oras,ah.

Dali-dali akong yumuko. "Sir!" Halata ang gulat sa boses ko.

"Why are you two fighting?" seryosong tanong ni Sir Ali, ang principal ng school na ito.

Napalunok ako ng laway. Tumingin ako sa gawi ng lalaking may kasalanan ng lahat ng 'to. Mukhang relax lang s'ya, ah. Ako lang ata ang kinakabahan dito.

"We are not fighting, Dad."

Buti na lang at ang anak niya na ang sumagot. Para kasing wala akong mahagilap na sagot. Nalunok ko 'ata 'yong dila ko sa sobrang kaba. Kilala pa naman 'to si Sir Ali bilang isang masungit at istriktong tao. Napansin ko rin kung paanong nagpapalipat-lipat ang tingin ng mga bata sa amin.

"Okay." Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang naniwala naman si Sir Ali.

"Rahmsiz, follow me." Nahugot ko ang hininga ko nang umalis na sa wakas ang principal.

Nagpang-abot ang mata namin nitong si Rhamsiz daw kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano'ng tinitingin mo diyan?" asik ko.

Umiling-iling siya at ngumisi."Next time, Ma'am. Next time." He sounds like he is giving me a warning.

"Next time? Wala ng next time, oy!" singhal ko. Akala niya, matatakot niya ako? Never! Palaban ata 'to!

Ngumisi ulit siya bago nagsimulang maglakad palabas. Dala niya si Ian.

"Ian! Sasama ka sa kanya?" tanong ko.

Huminto sila sa paglalakad. Humarap si Ian sa akin pero nanatiling nakatalikod si Rham. Ang taas ng pangalan niya kaya Rham na lang. Sayang laway ko, hindi naman siya importanteng tao sa buhay ko.

Tumango siya. "Opo." Ang ikli, ah pero okay lang, magalang naman hindi kagaya nitong tatay niyang masama ang ugali.

Napatango na lang ako. Nang mapansin nilang wala na akong sasabihin ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Nang wala ng ibang tao maliban sa mga estyudante ko, umupo na ako sa upuan ko.

I really don't like the attitude of that guy even if we just met earlier. He's annoying.

***

Tapos na ang klase kaya uuwi na ako. Nang makalabas ay naghintay ako ng taxi. Napaatras ako nang may humintong itim na sasakyan sa harapan ko. Sino na naman 'to?

Nang lumabas ang may ari ay nakahinga ako ng maluwag. Si Kade lang pala. Pero teka... Bakit parang ibang sasakyan 'to? 'Asa'n ang kotse niya?

Lumapit sa akin ang asawa ko at hinagkan ang pisngi ko na sinuklian ko lang ng isang tipid na ngiti. I didn't know he would fetch me today. Kadalasan kasi ay nagbibilin ito kung susunduin niya ako.

"Hi, Hon! How's your day?" masiglang tanong nito. Ngiting-ngiti rin siya. Sobrang saya niya 'ata ngayon?

"Mine is amazing. How about yours?" tanong ko pabalik.

"Mine? Oh, Hon, mine is fantastic!" he exclaimed.

"That's good. Kanino nga pala 'yang kotseng 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa kotse.

"'Yan? Sa isang friend ko 'yan. Pinahiram muna sa akin since hindi niya naman muna gagamitin. Nasiraan kasi ako. Iniwan ko na lang sa repair shop," paliwanag niya.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon