Izy's POV
"Rham..." naiiyak na tawag ng babae na nasa harap naming dalawa ni Rham.
"Cheska..."
Dahan-dahan naglakad ang babae papunta kay Rham at niyakap ito. Mukhang matagal silang hindi nagkita. Siya kaya 'yong 'her' na sinasabi ni Rham?
Para akong nanunuod ng movie sa eksena nila. Pansin ko ding merong mga dumadaang tao ang napapalingon.
Kumalas sa yakap si Cheska. "I missed you..." maluha-luhang ani nito.
Ngumiti si Rham pero 'yong ngiti niya, hindi umabot sa mata. Hindi ba siya masaya?
Medyo nagulat ako nang tingnan ako ng babae. Kita ko din na tumaas ang kilay niya. Slight lang naman .Taray 'yan?
"Who are you?" May accent pa siya, mga day. Taga-saan ba 'to?
"Izy Delgado. Nice to meet you, Cheska." I tried my best to sound polite. Bago pa lang kami nagkita pero ayaw ko na sa kanya. Parang may bumabalot na itim na aura. Char!Parang demonyo lang. HAHAHA!
"Oh, you are Kade's wife. Right?" nakangiti niyang tanong pero halata namang fake. But wait, how the hell did she know that I am the wife of Kade Delgado? Stalker ba siya?
Ngumiti ako pabalik. "I am. Paano mo nga pala siya nakilala?"
Bahagya siyang tumawa. "It's just because of business. He often talks about you. His lovely wife as what he says, Izy Delgado."
Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Nabaling ang atensyon namin kay Rham nang tumikhim ito.
"Why don't we have lunch? My treat!"ani niya sa isang masiglang boses.
"Sure!" kaagad na sagot ni Cheska. Hindi naman halatang excited siya.
Tiningnan ako ni Rham nang hindi ako sumagot. "Sige." Nasabi ko na lang.
Ngumiti si Rham sa aming dalawa. "Tara!"
Naghanap kami ng restaurant pero dahil dakilang maarte itong babaeng 'to, siya ang pumili. Allergic daw kasi siya sa ibang pagkain lalo na daw sa Filipino foods. Edi wow! Baka nga hindi talaga siya allergic at nag-iinarte lang talaga siya.
Magkatabi silang dalawa habang ako ay nasa harap nila. Nagmukha tuloy akong third wheel sa date nila.
Si Kade kaya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Hinahanap niya kaya ako? Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Mahal niya pa kaya ako? Pero hindi naman siya maglo-loko kung mahal niya pa ako at masaya siya sa relasyon na 'to.
Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon at hindi ko alam kung paano 'to ayusin. Masyadong magulo ang lahat. Ang tanong... Maaayos pa ba namin 'to?
"Hey!" Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ang nag-aalalang boses ni Rham.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Bakit?"
Halatang nag-aalala siya sa akin by the way na tingnan niya ako. Kahit si Cheska ay nakatingin rin sa akin pero 'yong tingin niya hindi nag-aalala kun'di naiinis na para bang sagabal ako para sa kanya. Bahala siyang mainis hanggang sa tumaas ang BP niya. Hahaha!
"Okay ka lang? Hmm? Gusto mo na bang umuwi? Sasamahan kita," he offered.
Bahagya akong tumawa para mabawasan ang pag-aalala niya. Bakit hindi na lang kay Cheska siya mag-focus total matagal na silang hindi nagkita?
Umiling-iling ako. Baka mas lalong pang-gigilan ako nitong si Cheska 'pag tinanggap ko ang offer ni Rham.
"Hindi na. Ma'ya na lang. At saka okay lang ako 'no," I assured him.