Rhamsiz's POV
Sobrang tahimik ng bahay ko dahil ako lang mag-isa ang nakatira rito.
Naka-on ang tv pero wala dito ang atensyon ko. Iniisip ko ngayon si Izy. Alam kong nasasaktan siya ngayon dahil sa panloloko ng asawa niya.
Natawa ako ng mapakla nang maalaala kong niloko nga rin pala ako.
My fiancee cheated on me and until now, I am still thinking what could be the possible reason for her to cheat kasi... minahal ko naman siya. Binigay ko ang lahat ng kaya ko sa kanya. I am faithful to her. Ano pa bang hindi ko nagawa? Bakit niya ako iniwan na lang sa ere?
Ang daya kasi... nangako siya, eh. Nangako siyang sasamahan niya akong lumaban pero anong nangyari?Iniwan niya pa rin ako. Sumuko pa rin siya.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko nang marinig kong may kumakatok. Kung sino man ang nasa pinto, humanda siya dahil makakatikim talaga siya sa'kin. Ang laki niyang abala.
"Sandali lang! Pwede?" inis na sigaw ko.
Inis na tumayo ako at lumapit sa pinto. Pinagbuksan ko ito at kaagad na lumambot ang expression ko nang tumambad sa harap ko ang babaeng iniisip ko kani-kanina lang.
"Izy..."
Nagulat ako nang magsimula itong umiyak sa harapan ko. What happened?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at maingat na yinakap siya. This is my first time hugging a crying girl. And hindi ko ine-expect na ganito 'yong mararamdaman ko. Pakiramdam ko,alam ko 'yong buong kwento sa likod ng pag-iyak niya. Ramdam ko rin kung gaano siya nahihirapan at nasasaktan.
Naunang kumalas sa yakap si Izy at pinunasan ang pisngi niyang puno na ng luha.
Mahina siyang tumawa. "Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan."
Bumuntong hininga ako. "It's fine."
Binalot kami ng katahimikan kaya medyo na-awkward-an ako. "Wanna go for a walk?" basag ko sa katahimikan. This is freaking awkward. I've never experienced this kind of situation in my whole existence so I clearly don't have any idea on how to handle this.
Pumayag naman siya kaya nagsimula na kaming maglakad-lakad. Walang nagsasalita sa aming dalawa at tanging ang tunog lamang ng mga kuliglig ang nagbibigay ng ingay sa pagitan namin.
Hindi naman gano'n kadilim kasi may mga poste naman sa gilid ng kalsada.
"I hate him..."
Napalingon ako sa kanya nang mahina siyang magsalita.
"But I also love him..."
I can't help but sigh. I remembered na gan'yan din ang naramdaman ko nang mag-cheat si Clara sa'kin, the woman I loved. Nagalit ako sa kanya pero mahal ko pa rin siya. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko no'ng mga panahong 'yon at hindi ko itatangging hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin tinatansya kung ano ba talaga. Galit pa rin ba ako sa kanya o mahal ko pa rin siya?
Ngayon ko lang namalayan na nasa labas na pala kami ng subdivision namin. Ang bilis naman.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong nagtungo sa gilid ng kalsada at umupo sa may ilalim ng poste ng ilaw. Sumunod naman si Izy nang mapansin ang ginawa ko. Sobrang tahimik ng paligid dahil malalim na ang gabi. Kami na lang din dalawa ang nandito sa kalsada.
Napatingin ako kay Izy na nasa tabi ko ngayon nang marinig ko ang mahihinang hikbi niya. She's crying. Again. Masakit makitang nasasaktan siya ng ganito. No one deserves pain. Not her, not me, no one.