13:WHAT IF'S

28 0 0
                                    


Izy's POV

"Handa ka na bang pakawalan siya?"he asked again.

I shrugged."Yes."

Lie.

Tumingala ako nang bigla siyang tumayo. Pinagpagan niya ang suot niyang pambahay na short bago niya inilahad ang kanang kamay niya.

"Samahan mo ako. Gusto ko ng ice cream. Bili tayo,"nakangiting wika niya.

Hindi na ako kumontra pa at hinawakan ang nakalahad niyang kamay. Gumamit siya ng pwersa at hinila ako. Binitawan niya rin naman ang kamay ko nang makatayo na ako.

"Tara."

Sumunod lang ako sa kan'ya hanggang sa naka-labas na kami ng subdivision. Ilang lakad pa ang ginawa namin bago kami huminto sa isang mama na nagtitinda ng ice cream.

"Isang chocolate ice cream nga, Manong,"turan ni Rham habang naka-turo sa flavor na gusto nioya."Ikaw? Anong gusto mo?"baling niya sa'kin.

Ngumiti ako."Ikaw."

Mas nilakihan ko ang ngiti ko nang makita kong manlaki ang mga mata niya.

"Ha?"

Tiningnan ko si manong tindero na ngayon ay naka-ngiti habang palipat-lipat ng tingin sa'ming dalawa.

"Na ang pumili,"dugtong ko.

Rham looked away. Nakikita kong medyo namumula ang pisngi niya."Yeah... Uhm... Chocolate na lang din sa kan'ya, Manong."wika niya sabay abot ng bayad sa tindero.

Nang makuha na namin ang binili namin ay tsaka kami naghanap ng pwedeng ma-upuan.

May nakita akong isang bench na may isang babae ang naka-upo. Pwede na siguro 'yon.

"Do'n, oh."Itinuro ko ang nakita ko.

Sinundan niya naman ng tingin ang daliri ko at tsaka tumango. Naglakad kami pareho papunta roon.

"Miss, pwedeng maki-upo rito?"bati niya sa babae na kasalukuyang nakatingala sa langit. Wala siyang expression kaya muntik nang tumaas ang isang kilay ko.

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumiti at tumango pero hindi man lang kami tiningnan.

Hala siya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rham at pareho kaming naka-kunot ang mga noo. Pero kahit na gano'n ay umupo pa rin kami. Hindi naman gano'n kalaki itong bench kaya sobrang lapit talaga namin nitong babae na halos magdikit na ang mga balat namin. Bale nasa gitna ako nitong babae at ni Rham.

Nang tingnan ko si Rham ay nakita kong kinakain na niya ang ice cream niya kaya kinain ko na rin 'yong akin.

Ilang minuto ang lumipas at bigla na lang tumayo si Rham.

"Pwede bang dito ka na muna?Maghahanap lang ako ng lugar na malapit dito at may rest room. Ihing-ihi na kasi ako,"wika niya at tiningnan ang katabi ko pero binalik niya rin naman kaagad ang paningin niya sa'kin.

Para namang ini-isip niyang may gagawin masama sa'kin 'tong si ate girl kung tingnan niya.

I smiled."Yeah. Sure. Balik ka rin kaagad."

Tumango lang siya bago siya umalis at iniwan ako kasama itong weird na babaeng 'to.

Medyo nakyu-curious ako sa inaasal nitong katabi ko kaya palihim ko siyang tiningnan. Medyo nagulat ako nang tingnan niya ako. Saglit lang naman pero sapat na 'yon para ma-obserbahan ko ang physical appearance niya.

Sa tantya ko ay ka-edad ko lang 'ata siya. Mga late twenties, gano'n. Naka-suot siya ng puting-puti na dress at puti ring doll shoes. Isa 'yon sa mga bagay na nakakapag-attract ng atensyon. Nagmumukha siyang anghel lalo pa't may itsura rin siya.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon