Izy's POV
"Nandito na tayo,"anunsiyo ni Rham bago inihinto ang kotse. Hininto niya ito sa harap ng bahay namin ni Kade.
Bumaba ako pero hindi ako pumasok sa loob. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko at mukhang napansin 'yon ni Rham kaya ibinaba niya ang salamin ng kotse niya.
"May nakalimutan ka, Izy?"
Umiling ako at napakamot sa batok."Wala. Gusto ko lang sanang magpasalamat,"usal ko sa nahihiyang tono.
Ilang beses na akong nagpasalamat sa kan'ya ta's ngayon, magpapasalamat na naman ko. Baliw na 'ata ako.
I saw him laughing."Pang-ilan mo na ba 'yang pasalamat? 'Di. Joke lang. Hahaha!"
Hindi ko mapigilang ngumiti sa tuwing nakikita ko siyang ganito. Tumatawa na para bang wala siyang problema. Sana all na lang talaga.
"Thank you ulit, Rham. Papasok na ako. Bye,"nakangiti kong paalam. Kumaway din ako na sinuklian niya naman ng isang matamis na ngiti. Ang cute.
"Bye. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka,"habilin niya na tinanguan ko.
Pinanuod ko muna siyang umabante bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Nasa may dulo kasing bahagi nitong subdivision ang bahay niya. Hindi naman 'yon malayo sa bahay namin. Mga two minutes lang yata na lakad.
Nayakap ko ang sarili ko nang nasa harap na ako ng pintuan. Binuksan ko ito at kinapa ang switch ta's pinindot ito para lumiwanag. Naipikit ko ang mata ko nang mabigla ito sa biglaang pagkalat ng liwanag. Dahan-dahan ko itong binuksan nang maramdaman kong hindi na ito nana-nakit at nakapag-adjust na ito.
Lumapit ako sa isang sofa na malaki ang espasyo at doon ko pinagmasdan ang buong sala ng bahay. Napangiti ako nang maalaala ko araw ng unang lipat namin dito. Kami pa ngang dalawa ni Kade ang nag-desinyo ng salang ito. Simple lang pero binuhos namin ang lakas namin sa pagde-desinyo namin. Napunta ang paningin ko sa malaking picture frame na nasa tabi ng malaking flat screen tv. Picture frame naming dalawa sa araw ng kasal namin.
Parang bumabalik sa akin ang sandaling 'yon. Kung saan kitang-kita ng mga mata ko ang saya at pagmamahal sa mga mata ni Kade. 'Yong ngiti niya... Makikita ko pa kaya ang mga 'yon? Siguro, oo pero hindi na nga lang ako ang dahilan ng mga ito.
Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at tsaka ako dahan-dahang humiga sa sofa. Nakakatawang isipin na pinalaya ko na siya pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili kong isipin siya.
I stared at the ceiling before I slowly felt my eyes getting heavier. I need rest.
•••
Napahawak ako sa noo ko nang magising ako. Shit. Parang mabibiyak ang ulo ko. Grabeng hangover 'to.
Kahit na hindi pa masyadong maganda ang pakiramdam ko, tumayo ako't nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha ako baso at kinuha ang pitsel ng tubig sa ref. Binuhusan ko ito ng kalahati at diretsong nilagok ito.
Hinila ko ang upuan na nasa harap ko at umupo rito. Naipikit ko ang ulo ko nang maramdaman kong parang piniga ang ulo ko. Damn this hangover!
I won't drink again. Promise. Swear to Earth.
I lazily stood up and went to a cabinet that is filled with different medicines. Kumuha ako ng aspirin at bumalik ulit sa pagkaka-upo. Nilagyan ko ulit ng tubig ang baso at tsaka ko ininom ang gamot. Sinundan ko rin ito kaagad ng tubig dahil sa pait.
I stayed at there for minutes. Nang maramdaman kong medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay tsaka ako umakyat sa taas at naligo't nagpalit ng damit. Isang simpleng yellow shirt at isang white short. I paired it with my white shoes. Tiningnan ko ang sarili ko sa full-length mirror at nang makuntento sa itsura ay tsaka ako umalis ng bahay at naglakad papunta sa bahay ni Rham. Plano kong i-libre siya ngayon dahil sa mga bagay na nagawa niya para sa'kin.