14: ACCEPTANCE

32 1 0
                                    

•••

Izy's POV

"Ito na ba 'yon?"tanong ko kay Kade  habang hawak ang papel na nagsa-saad na sa oras na pirmahan ko ito ay mawawalan na ng bisa ang kasal naming dalawa.

Nakipag-kita siya sa'kin dito sa opisina niya para mapirmahan ko na ang papel na kasalukuyan kong hawak at matapos na ang relasyon naming dalawa.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaka-isip kung tama bang pirmihan ko na lang ang divorce papers nang hindi ko man lang sinusubukang maki-usap na 'wag ituloy ang binabalak ng asawa ko. Pero at the same time, na-isip kong hindi makatarungan ang ginawa sa'kin ni Kade para ako pa ang magmakaawa sa kan'ya. Siya ang may ginawang mali kaya hindi niya deserve na paki-usapan.

"Yes. Sign it."He motioned the paper in my hand.

Napa-buntong hininga ako."Bago ko pirmihan 'to, may gusto akong itanong sa'yo."I put down the paper on the table.

His brows forrowed."Is this the part that you will ask me if I really loved you? Kasi kung gano'n, sorry, hindi ko na sasagutin pa 'yan,"bakas ang inis sa boses niya.

Umiling-iling ako."Hindi. Kasi ang tanong ko...bakit napaka-dali para sa'yong tapusin ang relasyon natin?Gano'n ba ka-espesyal ng babae mo para iwan ako?"hindi ko na-itago ang pait sa bawat salitang lumabas sa bibig ko.

Kahit naman payag na akong makipag-hiwalay, hindi naman ibig sabihin no'n, wala na akong mga tanong sa isip ko. Syempre meron din at gusto ko lang masagutan 'yon para naman makapag-move on din ako.

He let out a frustrated breath."Sa totoo lang, Izy, hindi ko rin alam kung ano problema.Siguro, na-umay ako sa pagiging plain mo. Siguro 'yon nga ang dahilan kung bakit nahulog ako sa ibang babae."

I almost laugh at his answer."Damn. 'Yon lang? 'Yon lang ang dahilan mo at naghanap ka ng iba?"

He didn't reply.

"Ano ba ang gusto mo? 'Yong mag-bar ako at uminom? Mag-shopping at ubusin ang pera mo? Ano bang tinutukoy mo sa pagiging plain ko? 'Yong hindi ko na pag-gawa ng mga bagay na ginagawa ng mga kabataan? 'Yon ba?"

He's just looking at me. Emotionless. And it pains me.

"'Asa'n na 'yong Kade na iniintindi ako? 'Yong Kade na tanggap ako kahit ano pa ako. 'Yong Kade na minahal ko. Nasa'n na 'yon?"I asked him as my tears started to flow on my cheeks.

"Kung may pagkukulang man ako, pwede mo namang sabihin sa'kin, eh. Gagawin ko naman ang lahat para mapunan 'yon. Gano'n kita ka mahal. Hindi 'yong, porque may pagkukulang ako, h-hahanapin m-mo na 'yon sa ibang t-tao..."my voice cracked.

Labis kong ikina-gulat nang bigla siyang umismid. Mapaglaro ang mga mata niya na may kasamang isang nakakalokong ngisi sa kan'yang labi.

Ipinatong niya ang mga kamay niya sa office table na nasa harap niya at ipinagsalikop ang mga ito.

"Tapos ka na ba sa drama mo?Pwedeng paki-pirmahan na ang divorce paper."Tinuro niya ang papel na tinutukoy niya.

T*ngina mo, Kade! T*ngina mong gago ka!

"Fine! Pipirmahan ko 'yan pero sana hindi mo pagsisihan na ginawa mo 'to. Ito ang tandaan mo, ikaw ang nawalan at hindi ako,"ani ko habang mariing nakatitig sa kan'ya. Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng divorce paper at pinirmahan ang papel.

Kinuha ko ito matapos na mapirmahan at hinagis sa mukha niya na ikana-atras niya.

"Ayan na. Isaksak mo sa baga mo!"sabay tayo ko at lakad paalis sa lugar na 'yon.

Lumabas ako ng gusali na wala man lang kahit na katiting na pumatak na luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung manhid na ba ako o ano.

"Okay na?"tanong ni Rham nang mahinto ako sa harap niya.

Nakapa-mulsa siya habang tinitingnan ako nang maigi. Gusto niya pa sanang sumama sa'kin sa loob kanina pero pinigilan ko siya. Ayaw ko lang na makita siya ni Kade at ano pa ang isipin.

Tumango ako at ngumiti nang bahagya."Yeah..."

Medyo nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit. Pero kalaunan din ay kumalma rin ang katawan ko't hinayaan lang siya.

"Nandito lang ako, tandaan mo 'yan. Sasamahan kita hanggang sa maging okay ka na. Hmm?"he whispered in my ear.

Bumitaw ako sa yakap niya. Tiningnan ko siya sa mata at lihim kong pinasalamatan ang Diyos na kahit hinayaan niyang mawala sa buhay ko si Kade, binigay niya naman sa'kin si Rham.

"Huwag mo sana akong iwan."

He carefully held my hand."I won't. I will stay with you so please lumaban ka. Alam kong kakayanin mo 'yan."

I hope so.

******

It's been months and the pain lessened. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagiging teacher ko despite the heartbreak I experienced. Wala, eh. Ganito talaga ang buhay,minsan masaya, minsan malungkot. Kailangan lang talaga na maging matibay tayo kung gusto pa nating magpatuloy sa ating buhay.

Syempre, hindi naging madali para sa'kin ang nangyari. Ikaw ba naman hiwalayan ng taong minahal at naging kasama mo sa loob ng maraming tao, tingnan natin kung hindi ka masaktan.

Kakatapos lang ng klase at busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nang biglang mag-vibrate ang phone ko. A message was sent to me. It's Rham.

095********
Hey! Are you done na? I'm outside your classroom.

Mag-re-reply na sana ako nang masundan kaagad ang message na natanggap ko. Bilis!

095********
Pasyal tayo. My treat. 😄

Kaagad akong napangiti sa text. Hanggang sa pag-reply ay nakangiti ako.

To Rham:
Sure. Wait lang.

Binilisan ko ang kilos ko at eksaktong pagkalabas ko sa pinto ay nakita ko na kaagad ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Rham.

"Hi?"He greeted me with a smile.

Lumapit ito sa akin at inilahad ang mga kamay niya na kaagad ko namang naintindihan. He wants to carry my stuff and I let him.

Naglakad kami hanggang sa maliit na  parking lot ng school at sumakay sa kotse niya. Halatang mamahalin din ang kotseng 'to base sa itsura. Malinis at mabango rin which shows how good and responsible of a person Rham is.

"How are you? Your day?"Paunang tanong niya.

Napa-isip ako hanggang sa hindi ko namamalayang nai-kwento ko na lahat ng nangyari sa'kin ngayong araw, simula pagkagising. Nang marealize ay kaagad na napa-iwas ako ng tingin sa hiya. Ano ba naman 'yan, Izzy? Ang daldal!

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya na mas lalong ikinahiya ko."Makatawa ka naman, wagas!Hindi ko naman 'yon sinasadya,"nasabi ko na lang.

Huminto naman na siya sa pagtawa miya."Okay lang .Ano ka ba? Minsan talaga, kapag napupuno ka na, hindi mo maiiwasan na mag-overshare. Naranasan ko na rin kaya 'yan,"aniya na may maliit na ngiti sa labi.

Napangiti na lang din ako. He's really interesting. Madaldal. Maalalahanin. At kahit na nagsimula sa asaran ang pagkakakilala namin, naging maganda naman ito kalaunan.

"Nga pala, sa'n mo gustong pumunta?Gala tayo."

Napalingon ako sa kan'ya nang magtanong siya habang minamaniobra ang sasakyan. Nag-isip ako at isang lugar ang unang pumasok sa utak ko.

"Plaza,"sagot ko."Street food tayo!"

•••

 
Daily reminder:
God loves you.You are precious.

Stay safe,love.Love you!-M






Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon