17:LOVE?

10 0 0
                                    

Rham

Pagod na pagod akong umupo nang makauwi ako ng bahay. Galing ako sa trabaho at talagang napagod ako ng bongga sa dami ng tao sa mall ngayon  dahil holiday. Yes, nagta-trabaho ako sa isang mall malapit lang din dito bilang isang clerk. Ito ang part-time job ko aside from selling my paintings.

I was about to close my eyes when my phone rang. Damn. I wanna rest so bad na.

I got no choice but to lazily pick it up and answer it."Hello?"

"Hi, Rham." It was Izy on the other line.

" 'Sup? Need something?" I asked while my eyes were already half open. Inaantok na ako. I barely got enough sleep last night and I worked for like eight hours so I suppose, understandable kung bakit ako ganito ka-drained.

"No, I was just checking on you. Anyway, mukhang pagod ka 'ata. Sa boses mo pa lang, parang nilalabanan mo lang ang antok mo. I-end ko na kaya 'tong call para makapagpahinga ka na,"nag-aalalang ani niya pa.

Tumango ako na para bang makikita niya ito."Yeah, let's end this call muna. I'm really sorry pero antok na antok na talaga ako. Kita na lang tayo bukas. Puntahan kita."

"Sige, sige. Papatayin ko na, ha? Matulog ka na."

"Yes, Mother,"natatawa kong tugon.

"Tse! Mother mo mukha mo. Matulog ka na nga lang. Kapreng 'to..."

Hindi ko siya nakikita pero na-i-imagine ko na kung paanong umiirap na siya ngayon sa pagka-asar kaya naman ay natawa ako.

"Ii-end ko na. Bahala ka diyan. Bye!"

Umayos ako nang upo nang akmang puputulin niya na ang tawag. Nagdadalawang isip man ay hindi ko matiis na hindi magtanong. "Ah...Nakapag-usap na ba kayo ulit ni Kelly?"maingat kong tanong habang pahina nang pahina ang boses ko.

It's been months already since we started hanging out together as friends. We have become close and almost inseperable. Hindi ko rin inaasahan na magiging mag-kaibigan kaming tatlo because of our not so good first encounter. Habang tumatagal,patatag nang patatag ang friendship namin. Napakasaya ko kasi alam kong may dumagdag na naman sa listahan ng mga taong pahahalagahan at iingatan ko.

Ilang segundo na pero wala pa ring  sumasagot sa kabilang linya kaya akala ko ay pinatay na ni Izy pero hindi pa pala.

"Hello? 'Andiyan ka pa ba?" Nagtataka kong tinitigan ang phone ko habang nag-aantay na magsalita siya.

Napapikit naman ako nang mariin nang marinig ko sa kabilang linya kung paano niya pinipigilan na matawa. I knew it! I shouldn't have asked her about that brat! Wala na. Hindi na ako tatantanan ng isang 'to for the rest of my life.

"Oh my gosh, Rham! I didn't expect na darating ang araw na magtatanong ka sa'kin about sa do'n sa most 'hated' girl mo? Akala ko ba...ayaw mo sa kan'ya?" May halong pang-i-intriga ang boses niya kaya naman ay wala sa sarili akong napalunok habang nag-iisip ng isasagot.

"W-well, she's our new friend 'di ba?Kaya kinukumusta ko siya. M-masama ba 'yon?"utal-utal kong palusot habang nakanguso.

Tumawa na naman siya kaya mas lalo akong napanguso. "Hindi masama ang mangumusta. Ang masama, 'yong nagsisinungaling at nagpapalusot pa. Sus ka, Rham!"

"Aminin mo, type mo si Kelly 'no?Umamin ka, Rhamsiz Ybañez."

Hindi ako nakapaghanda sa sunod niyang tanong kaya halos mabitawan ko ang phone ko habang nanglalaki ang mata sa pagka-gulat.

Tulong... I think nasu-suffocate ako.

Dahil wala na akong mahagilap na sagot,kaagad akong nagpaalam. "Bye na, Zy! Kita na lang tayo bukas. See you!" At dali-dali ko nang pinatay ang tawag.

Damn. Muntik na ako do'n,ah. Kaso, makakaligtas pa kaya ako bukas. Paniguradong kukulitin ako ng isang 'yon.

At tsaka bakit din ba kasi napaka-tabil ng dilang 'to? Nakaka-asar.

•••

"What?"asik ko nang hindi na ako makatiis sa mga nakaka-asar na titig ni Izy. Nakangisi pa talaga siya na parang baliw habang hinihigop ang kape niya at panakaw akong tinitingnan. Nasa backyard kami ng bahay ko, nagkakape dahil pareho kaming walang ganang lumabas at gumala.

"Nothing." She shrugged pero nakangisi pa rin naman. Nababaliw na 'ata ang isang 'to.

Napa-irap naman ako sa pag-di-deny niya. "Ang sabihin mo, may kung ano na namang lumulangoy na kabaliwan diyan sa isip mo."

"Kabaliwan? Kabaliwan bang matatawag ang pag-iisip ng kung paano ka ipinahamak ng sarili mong dila?"tanong niya,nang-aasar pa rin. "Ikaw, Rham, ah!Naglilihim ka na sa'kin. Hindi mo man lang sinabi na type mo pala si Kelly!"

"Sinong Kelly ba 'yan? Wala akong matandaang may kakilala akong Kelly," pagma-maang-maangan ko.Umiwas din ako ng tingin at umastang tinitignan ang mga halaman sa paligid.

"Deny pa more! Halatang-halata kaya!"Naka-ismid na saad niya. "Totoo pala 'ata talaga 'yong kasabihang ,'The more you hate,the more you love.' 'no?Akala ko chismis lang 'yon." Tumawa-tawa pa talaga siya na naka-asar sa akin.

Wala na. Nababaliw na talaga 'tong isang 'to. Ito ba epekto ng pinakasalan,pinangakuan pero iniwan? Parang nakakatakot naman. JK.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko nga siya gusto. Ang pangit kaya ng ugali no'n,"sabi ko habang pinapaikot ang kutsara sa tasa ko.

"Weh? Talaga lang, ah. Pupunta pa naman siya ngayon dito. Baka kainin mo 'yang sinabi mo,"Parang-wala lang na pagpapa-alam niya.

Nag-loading pa ako ng ilang segundo pero nang ma-absorb na ng utak ko ang sinabi ni Izy ay napanganga ako. Hala! Shit! Darating si Kelly? Oh my carabao! Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng excitement. Parang nanginig pa nga 'ata ang tuhod ko sa balita.

Damn. Why am I feeling this way? Hindi na normal 'to. Hindi ko naman siguro siya gusto, 'no?

"Sure ba 'yan? Pupunta talaga siya dito?"Paniniguro ko. Ayaw ko namang magkaroon ng false hope. Loko-loko pa naman 'tong babaeng 'to minsan.

Tumango naman si Izy. "Yes, darating siya ngayon. Male-late lang ng konti dahil may tinatapos pa siyang trabaho pero sabi niya, before lunch ay nandito na siya."

Before lunch? Does that mean, maipag-luluto ko siya? Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako kung anong lulutuin ko. Should I cook her Kare-Kare? Hipon? Or better yet, steak!

Nevermind, I'll cook it all na lang.

"Hala siya. Para kang tanga habang nagpipigil ng ngiti diyan. 'Wag mong pigilan, hoy at baka mautot ka,"tuma-tawang saad ni Izy na kaagad na ikinasimangot ko. Bwiset talaga 'tong babaeng 'to. Palibhasa, wala siyang bebe tulad ko. Wait...Bebe? You're so cringe, Rhamsiz!

"Utot mo mukha mo. Halika na nga sa loob at tulungan mo akong magluto. I need to prepare food for her,"aya ko pero umiling lang siya.

"Magluto ka mag-isa mo. Dito lang ako at tatambay habang umiinom ng tea tutal labidabs mo naman 'yon at hindi akin kaya shoo! Layas."Parang aso niya akong tinaboy ng kamay niya pero inirapan ko na lang dahil wala na akong oras para makipag-bardagulan pa dahil magluto na ako.

"Diyan ka na. Bahala ka na sa buhay mo at malaki ka na,"Huli kong sinabi bago siya iwanan at hayaang  magpakasasa sa kakainom ng tea niya.

"Luto well,"pahabol niya pa na tinawanan ko lang.

Nang makarating ako sa kusina ko, natigilan ako nang may ma-realize.

Why does it seems like I am starting to open my heart again? Is this bad? Should I stop this feeling before it grows more because of the possibility that it might just hurt me at the end, just like the last time?

Hinawakan ko ang kwintas ko nang makaramdam ako ng pagka-lito at pangamba. Kasabay nito ay ang lihim kong pag-hiling ng gabay sa kung ano mang panibagong daan na tinatahak ko ngayon.

Please, help me to refrain myself if ever masyado ko nang binibigay ang sarili ko. Remind me, please na huwag ubusin ang sarili at magtira upang kung sakali man na iwan ako, hindi ako malulugmok ng lubusan.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon