Izy
Tumayo ako nang marinig na tumunog ang door bell ni Rham. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang twelve-thirty na pala. I'm sure si Kelly na 'yon.
Nakangiti ako nang buksan ko ang gate pero nang makita kung sino ang nasa harap ko ay kaagad nawala ito.
Sino 'to?
"Sino po sila?"Confusion is surely visible in my face when I asked the person in front of me.
Binigyan ako nito ng maliit na ngiti."I am a friend of Rham. Nandito lang ako kasi may sasabihin lang ako saglit."
Napatango-tango naman ako."I completely understand. Teka lang muna, ha? Tatawagin ko lang si Rham, hindi kasi ako pwede magpapasok na lang dahil hindi naman ako ang may-ari nito." Paghingi ko ng paumanhin.
"It's fine. I understand," sagot niya pero parang wala naman sa akin ang atensyon niya dahil kanina pa siyang panaka-nakang tumitingin sa pintuan ng bahay.
Paano na lang kung magnanakaw pala 'to? She's beautiful, yes, pero that doesn't guarantee na hindi niya kayang gumawa ng masama. Ika nga nila, "Don't judge the book by its cover."
Sinarado ko muna ang gate pagkatapos kong magpaalam sa babae bago ako pumasok sa loob. Nadatnan ko sa kusina si Rham na ngingiti-ngiti habang naghahalo ng kung ano sa kaldero. Na-engkanto 'ata ang kapreng 'to. Ngumiti ba naman ng mag-isa lang.
"Psst! Hoy! Kap!" Untag ko dito.
Sinamaan niya naman kaagad ako ng tingin. "Anong Kap? Napaka-ulyanin mo na ba talaga at nakalimutan mo nang Rhamsiz ang pangalan ko?Imbento ka rin 'no?" Naka-ismid niyang turan.
Natawa naman ako sa mukha niyang naiinis. Pikon.
"Ano ka ba! Kap, short for kapre! Slow." Inirapan ko pa ito. "Nga pala, may tao sa labas, hinahanap ka, kakilala mo raw," pag-bibigay- alam ko at saka sinilip kung ano ang niluluto niya, sinigang na bangus pala. Sarap.
Tinakpan niya ang niluluto niya na ikinasimangot ko at saka pinatay ang apoy bago humarap sa'kin.
"Sino daw?" Nakakunot-noong tanong niya.
"Aba malay ko! Ako ba iyong kakilala?" sarkastikong sagot ko."Puntahan mo na do'n at baka naiinip na iyon.Manunuod na lang ako ng TV."
Hindi ko na siya hinintay sumagot at dumiretso na ako sa sala at naghanap ng mapapanood. Natuwa pa ako nang ma-discover ko na connected ito sa Netflix account niya.
Minutes passed and bumalik na rin si Rham pero kasama na nito 'yong babaeng kausap ko kanina. Ngayon ay mas nagkaroon ako ng chance para titigan ang babae, her height is just average, she has a strong feature and undeniably gorgeous. I wonder who she is.
"Zy? I want you to meet my friend, Margareth. Margareth, this is my friend, Izy." Rham introduced us to each other.
"Hi," bati ko at bahagya itong nginitian.
Tumango lang ito at matipid na ngumiti rin pabalik. Bahagya tuloy akong nailang dahil ang tahimik ng paligid.
"Uhm... Iwan ko muna kayo, titingnan ko lang 'yong niluluto ko. Marga, feel at home," habilin niya pa bago tumalikod at umalis. Hindi na ako naka-angal pa nang wala pang dalawang minuto ay wala na si Rham sa living room.
Okay... This is awkward. Should I start a conversation? Or 'wag na lang?
"Upo ka." Wala na akong maisip kaya 'yon na lang ang sinabi ko. Hindi rin naman siya umangal at umupo na. Teka. Kaano-ano ba 'to ni Rham? Kaibigan?
"I don't wanna be rude but who are you? What are you doing here? Are you Rham's new girlfriend? How long have you known Rham?"
Sinubukan kong pigilan pero kusang tumaas ang kilay ko sa mga tanong niyang puno ng pang-aakusa.Grabe naman 'tong si ate girl. Aakto pa lang akong sasagot pero nadadagdagan na kaagad ang tanong niya. 'Yong totoo, reporter ba 'to? Ang daming tanong, eh. Hindi naman ako na-inform na may guesting pala ako ngayon sa Fast Talk with Margareth. Sana man lang naghanda ako. Tss.
Kahit medyo na-inis ay nagawa ko pa ring kumalma kahit papa'no kaya nakapagsalita ako. "Well, my name's Izy and I am friends with Rham," tanging sagot ko kahit na andami no'ng tinanong niya. Bahala siyang hagilapin ang sagot sa mga tanong niya. Napaka-bastos ba naman.
As expected, dahan-dahang tumaas ang isang kilay niya, indicating na hindi siya satisfied sa sagot ko. Well, sorry na lang siya dahil tinatamad na ako. At saka isa pa, tama ba 'yong first meet niyo pa lang, pinapa-ulanan ka na ng tanong? Hindi naman ako nandito para sa pa Q and A portion niya.
"Friends, huh? I doubt that." May pang-uuyam sa boses nito na ikinataas na rin ng kilay ko.
Aba't gaga pala 'to, eh. Pinasagot niya pa talaga ako, eh ang ending, hindi rin pala siya maniniwala. May mga tao yata talagang bisyong subukin ang pasensya ng ibang tao at mukhang isa itong babaeng 'to sa mga iyon. Pigilan niyo ako at lumalabas ang pagiging maldita ko.
"Hindi ko na problema kung hindi ka naniniwala, problema mo na 'yon." Nginitian ko pa ito ng pagkatamis-tamis para makabawi dito. Kung asaran lang din naman ang usapan, hindi talaga ako magpapatalo. Isa sa pinakamalaking pagkakamali ng Margareth na ito na ako pa talaga ang mapiling pag-tripan.
Sasagot pa sana ito kaso tumunog na ang phone ko. Kinuha ko ito at nang makitang si Kelly ito ay kaagad ko itong sinagot.
"Hello? Kel? Nasa'n ka na?" tanong ko at saka inangat ang tingin. Sakto namang nagtama ang paningin namin ni Margareth at nahuli ko pang matalim ang tingin na ipinupukol niya na ikina-irap ko. Bitch.
"Hey, Z. I'm outside. Please come and fetch me kasi ang init dito. I feel like nasusunog na 'yong skin ko."
Hindi ko man siya nakikita pero alam kong nakasimangot ito ngayon na ikinatawa ko. "Sige, sige. Wait for me."
Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang "bisita" ni Rham at kaagad na lumabas nang mag-end ang tawag. Pinagbuksan ko si Kelly at tama nga ako, nakasimangot ito at nakapamewang pa.
Tawang-tawa ako nang makita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya nang makita ako. Kaagad itong lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Siya na rin ang humila sa'kin sa loob ng bahay. Halatang kanina pa ito kating-kating na pumasok sa loob. Naawa pa ako nang makitang medyo namumula na 'yong balat niya. Kanina pa ba siya do'n sa labas? Gagi, baka mapa'no na 'yong balat nito, dagdag konsensya ko pa.
"Gosh, Zy! Alam mo bang almost fifteen minutes na akong nasa labas. I texted you pero hindi ka naman sumasagot kaya naman tinawagan na kita. Thankfully, sumag---"
Napabuntong-hininga na lang ako nang mahinto sa kakadaldal si Kelly nang makita ang prenteng naka-upo sa isang sofa dito sa living room ni Rham, it's none other than Margareth.
"Wait. Oh my gosh! Is she Rham's new gf? Why did no one informed me? I can't believe na nawala lang ako saglit, may ganap na agad sa buhay ng bff kong 'yon. And one thing, I didn't know na gan'yan pala ang type ni Rham sa mga babae. No offense." She turned to me and smiled sweetly.
Napapikit na lamang ako at napabuntong hininga sa talak ni Kelly. I think, dapat ko ring ipagpasalamat na ako lang ang nakarinig dahil baka mag-away 'tong mga bruhildang 'to. Ang gusto ko lang ay kumain, hindi manuod ng live tutorial kung paano kalbuhin ang isang tao in just a few minutes.