8:TALK

36 0 4
                                    

Izy's POV

"Okay. So, Kelly, can you now say the magic word?" Rham asked again.

Ang OA nitong si Rham. Hindi talaga titigil hangga't hindi nag-te-thank you si Kelly.

Kelly rolled her eyes. "Just tell me what you want me to say. Kasi, hello! Hindi ko naman alam kung ano 'yang sinasabi mo."

Tiningnan ako ni Rham na para bang hindi na niya alam ang gagawin niya. Nagkibit-balikat lang ako dahil busy ako kaka-obsereve sa babae. She looks like she came from an elite family. The first time my eyes landed on her belongings, I already knew that this were all expensive and branded. Pero ang tanong, anong ginagawa niya sa kalsada sa ganitong oras?

"Don't you know how to say thank you?" medyo inis na na tanong ni Rham.

"Thank you lang pala? Bakit hindi mo sinabi agad?" Umayos siya ng tayo bago tumikhim. "Thank you." Nakayuko pa siya habang nagpapasalamat. Lol.

Umirap pa si Rham pero kalaunan ay tumango lang din naman. Para lang akong nanunuod ng badminton sa palitan ng lines nila.

Nang wala ng nagsalita sa kanilang dalawa ay doon na ako sumingit."Kelly, right?"

Tumango naman siya habang si Rham ay nakabusangot lang sa gilid. Tsk.

"May I know why you are still here in the middle of the night?"maingat kong tanong.

Ngumiwi siya bago tumango."Naligaw ako."

Napatingin kaming dalawa ni Kelly kay Rham nang magsimula itong tumawa. Para siyang nakarinig ng isang nakakatawang joke kung maka-tawa siya.

"What's funny?"poker face na tanong ni Kelly. Oo nga. What's funny?

Huminto naman si Rham at nagpunas ng luha."Nothing."

"So, Kelly?"

"Ahh, so 'yon nga, naligaw ako. Kakagaling ko lang ng ibang bansa ta's ito kaagad ang unang nangyari. Kainis!"she said while folding her arms on her chest.

Napatango-tango ako. "May matitirhan ka ba?"tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya bago umiling-iling. Napatango lang ako. Hindi naman kakayanin ng konsensya ko kung hahayaan ko lang siyang palaboy-laboy dito. At sa tingin ko naman, hindi naman siya masamang tao.

"How about, sa bahay ka na lang mag-stay for tonight ta's hatid ka namin bukas ni Rham sa isang hotel. Right, Rham?"baling ko kay Rham. Mukhang napilitan lang siyang tumango at pumayag. Ito talagang lalaking 'to.

Napangiti ako nang makitang sobrang tuwa ni Kelly. Hindi naman siguro siya magnanakaw, ano?

Sinamahan kami ni Rham sa bahay namin ni Kade pero nagpaalam din kaagad na aalis na siya dahil may trabaho pa siya bukas. Tawagin na lang daw namin siya 'pag may kailangan kami.

Hinatid ko si Kelly sa guest room para doon mag-stay ngayong gabi. Malaki rin ang kwartong 'to at may queen size bed. Nagkakaroon lang ng tao dito 'pag may bisita kami pero kahit na gano'n, linilinisan naman 'to namin 'lagi.

"Okay na ba 'to?"tanong ko kay Kelly na ngayon ay sobrang busy sa kakatingin sa buong kwarto.

Lumingon siya sa akin bago ngumiti. "Okay lang. Thank you for letting me stay for tonight,"she sincerely said.

Ngumiti ako pabalik."You're welcome. Alis na ko, ha?"paalam ko. I'm really tired and my body needs rest. Idagdag mo pa ang nanghahapdi kong mga mata kakaiyak kanina.

Tumango siya habang ako naman ay nagsimula nang naglakad palabas. Nahinto nga lang ako nang may pahabol pa siya.

"Don't worry. I will not steal anything."

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon