Izy's POV
"Hoy! Kanina ka pang tulala diyan. An'yare?"
"Ha?"wala sa sarili kong sagot.
Natawa si Rham."Kanina pa akong nagsasalita rito pero hindi ka naman pala nakikinig. Ewan ko sa'yo."
Napa-irap naman ako dahil sa kaartehan niya."Pa'nong ako makikinig kung wala namang kwenta 'yang mga sinasabi mo."
"Hoy! For your information, may sense lahat ng kinu-kuda ko! Hindi ka lang talaga nakikinig kaya hindi mo ako naiintindihan,"depensa niya.
"Whatever."
He looked at me and raised his eyebrow."Wow naman! Maka-whatever ka, parang hindi ikaw ang nag-aya, ah! Pasalamat ka nga at sinipot kita dito. Alam mo bang madami akong iniwang trabaho para dito ta's gaganyanin mo lang ako."
For the second time, umirap na naman ako."Ang daldal mo, Rhamsiz. Kumain ka na lang diyan."Pagtatapos ko sa usapan kasi tinatamad na ako na magsalita.
Anyway, nandito kami ngayon sa isang cafe na hindi gano'n ka-well known kaya naman ay maluwag at maaliwalas ang loob dahil wala masyadong customers. Nice din ang ambiance ng place, it makes me feel like I'm inside a movie and I'm the main character. Marami ring mga ornaments and lamps ang nakasabit sa paligid na nagbigay buhay sa cafe.
"Hi!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nakita ko rin kung paano nalukot ang mukha ni Rham habang nakatingin sa salarin ng pagkagulat ko. I turned to see who it was and I was confused and shocked at the same time when I realized that it was the same girl that Rham hates the most.
"Hello?"I was supposed to greet her back pero parang naging patanong ang kinalabasan nito."I'm sorry but what's your name again?"
Ngumiti ito ng pagka-lawak-lawak. "Before I answer your question, may I take a seat first?Nangangalay na kasi ako kakahawak dito."Iminuwestra niya ang hawak niyang tray na may nakapatong na isang plate na may slice ng cake at isang baso ng juice.
In-offer ko sa kan'ya ang katabi kong upuan na kaagad niya din namang tinanggap. Nang maka-upo siya ay kaagad siyang ngumiti sa amin which I awkwardly reciprocated habang si Rham? Ayun, kanina pang pinaglalaruan ang baso ng kape niya at hindi man lang pinapansin ang bagong dating.
"So... do you still remember me?"Panimula ni Kelly na kaagad ko namang tinanguan and as expected, hindi pa rin nagsasalita ang isa. Mukhang may lihim na galit 'tong isang 'to kay Kelly, ah.
"You're Kelly Ortega, right? 'Yong na-encounter namin in the middle of the night sa kalsada?"Pagko-confirm ko. Malay natin, hindi pala 'to si Kelly at nagkakamali lang ako. 'Di ba?
Bigla na lamang siyang pumalakpak nang matapos ako sa pagsasalita kaya naman medyo nagulat ako. Grabe!Nakakagulat naman ang isang 'to.
"You got it right!"Nakipag-apir pa siya na sinabayan ko na lang din at nakipag-apir din."I thought you already forgot me na."
"How are we supposed to forget a person na katulad mo? You're... weird and ungrateful,"sabat ni Rham kaya naman pinanlakihan ko agad siya ng mata. Wala bang preno ang bibig nito? Dikitan ko kaya ng shoes glue ang bibig nito nang matigil na sa kakakuda?
Napahilamos na lamang ako ng mukha nang magsimulang magbago ang reaksiyon ni Kelly at tumaray ito.
Ito na sila.
"Me? Weird? Baka ikaw! Tutal naman ay ikaw itong kanina pang hindi umiimik at bigla-bigla na lang sumisingit,"Banat ni Kelly na ikina-asim ng mukha ni Rham.
I think I need a bowl of popcorn. Medyo umi-intense na kasi. Malapit na ba 'to sa exciting part?
Rham scoffed."Pa'no ako iimik, eh nakita lang naman kita? Sino ba namang matutuwa 'pag nakita ka?Hambog."
Nagsisimula nang mamula ang mukha at tenga ni Kelly sa inis habang ako dito, naka-upo lang at palipat-lipat ang tingin sa kanila. This is interesting.
"Talagang matutuwa ang sinuman 'pag 'tong mukhang 'to ang nakita. Napakaganda ba naman. Eh, ikaw kaya? Hindi ba naa-upset ang mga nakakakita diyan sa pagmumukha mo?"pang-aasar niya."At ano nga ulit sabi mo? Hambog? Baka ang gusto mong sabihin... honest?"At tumawa siya nang nakakaloko.
Si Rham naman ay hindi nakasagot kaya natawa ako. They are really entertaining to watch. Kulang na lang kasi,magsabong sila sa sobrang inis sa isa't isa. Kahit na hindi ko alam ang dahilan at pinag-ugatan ng enemy quarrel nila, natatawa pa rin ako sa kung paano nila sinusubukang asarin ang isa't isa. I even feel like may chemistry sila. Funny, right?
"Okay. Okay. Tama na 'yan at baka sa sobrang asaran niyo, may ma-develop na---"
"Eww! I know what you're thinking, Izzy! That's gross! Like... pwe!"Diring-diri ang mukha ni Rham nang sumingit sa gitna nang pagsasalita ko na ikinatawa ko na talaga.
"Wow! Diring-diri 'yan?"Inirapan ni Kelly si Rham."Akala mo naman kung sinong gwapo! FYI, itong mukhang 'to, pinipilahan at pinag-aagawan 'to kaya tigilan mo ako sa kaartehan mo dahil hindi bagay."
Pero sadyang ayaw magpatalo ni Rham kaya naman sumagot pa ulit siya."Gwapo talaga ako. May salamin naman kami sa bahay kaya alam ko na 'yon. Kayo ba, may salamin kayo?Para kasing wala."
Sasagot at babanat pa sana si Kelly kaso sumingit na kaagad ako at baka kung saan pa mapunta ang asaran nila."Guys, chill. Okay? Ni hindi pa nga tayo masyado magka-kilala pero nag-aaway na kaagad kayo. Pwede bang kumalma na muna tayong lahat dahil napapagod na ako sa kakadaldal niyo."
"He started it."Nagkibit-balikat si Kelly at pinagpatuloy ang pag-kain sa cake niya na parang walang nangyari."Gumanti lang ako."
"Dahil nakaka-asar 'yang mukha mo. Nakakainit ka ng dugo,"sagot naman ni Rham na ikina-ikot ng mata ko. Is it just me or his reasoning is really lame? Nakaka-asar din 'tong bakulaw na 'to.
"Anong nakaka-asar? Sa ganda ng mukhang 'to, naasar ka pa?"Umastang parang hindi makapaniwala si Kelly habang nakahawak ang kan'yang kanang kamay sa dibdib niya.
Nag-smirk naman si Rham kaya alam ko nang nay ibababato na naman siya kaya pinigilan ko na. Kumuha ako ng cookies na nasa plato ko at pinasak sa bibig niya para hindi na muna siya makapagsalita.
"Alam niyo, ang dami na ng sinabi niyo pero hindi pa rin natin pormal na naipakilala ang isa't isa. Why don't we introduce ourselves?Hmm?"Suggest ko para ma-divert ang atensyon nila.
Kelly shrugged her shoulders."Fair enough. Gusto ko rin kayong makilala pa at who knows... maging kaibigan."
Napangiti naman ako. Mukhang nangangamoy bagong kaibigan 'to, ah.
"I'll go first,"pagbo-volunteer ko. Tumikhim muna ako at tiningnan silang dalawa bago sila bigyan ng ngiti."My name's Izzy. I'm originally from Cebu but I live here now in Manila. Now... who's next?"
"Me!"Itinaas pa ni Kelly ang kamay niya na umagaw sa atensyon ng ilang tao. Napa-iwas na lang ako ng tingin sa hiya.
She cleared her throat before proceeding ."I'm Kelly Ortega. I live here in Manila. I'm a model and also a fashion designer."As always, nakataas-noo siya habang nagpapakilala. Proud na proud.
Itinaas ni Rham ang tasa niya at tsaka nagpakilala."My name's Rhamsiz Ybanez. I paint and play instruments. Also from Manila."
Done.
Ngayon na pormal na naming kilala ang isa't isa,what's next?