15:AGAIN

7 0 0
                                    

Izy

We arrived at the nearest plaza and I was amaze to see how lively the place is. Marami-rami na rin ang tao since hapon na and wala ng klase. Marami akong nakitang nagtitinda na ikinatuwa ko ng sobra. It's eating time!

Hinawakan ko ang braso ni Rham at hinila siya papalapit sa isang food stall.

"What's that?"Tila naguguluhang tanong ni Rham habang nakaturo sa mga fishball at kwek-kwek.

Natawa naman ako sa pagiging clueless niya."That's fishball and the orange one is kwek-kwek. Wanna try it?"

"Are you sure it's safe?"bulong niya, natatakot atang marinig ng nagtitinda.

"Oo naman, it's safe. Wait lang."Nagpaluto ako ng dalawang stick ng fishball at dalawa ring cup ng kwek-kwek. Nang matapos ay binigyan ko siya ng tig-iisa."Try mo."

Kahit na may pag-aalinlangan sa mukha niya, sumubo pa rin siya ng isang piraso ng fishball. Pinanuod ko kung paano dahan-dahang lumitaw ang dimples niya sa sobrang pagkakangiti. I think he likes it.

"You like it?"Nag-thumbs up pa ako to check kung nagustuhan niya ba talaga.

Nag-thumbs up din naman siya pabalik at saka sumubo uli but this time, kwek-kwek naman."Ang sarap!Lalo na 'yong sauce!"Subo lang siya nang subo hanggang sa maubos niya ang hawak niyang mga pagkain.

Nagsimula na rin akong kumain at dahil nauna na siyang ubusin ang kan'ya, nakatitig na lang siya sa'kin ngayon.

"What? Makatitig ka naman. Parang tutunawin mo na ako, ah!"ani ko habang natatawa."Ang ganda ko 'no?"dugtong ko.

"Yuck! Saang banda?"Umakto pa siyang nasusuka at nandidiri pero tinawanan ko lang siya. Parang bakla lang.

"Okay lang naman kung aaminin mong may crush ka sa'kin. Maiintindihan ko naman, Rham. Sa ganda kong 'to, hindi na maiiwasan 'yan,"umasta akong seryoso ako sa pinagsasabi ko. I even tapped his shoulder a few times.

Para naman siyang napaso sa pagdampi ng kamay ko at kaagad na umatras sa'kin."Parang tanga naman, oh! Kadiri! Yuck! Eww!"

Humagalpak ako nang tawa sa reaksiyon niya. Tawa lang ako nang tawa habang siya ay patuloy pa rin akong tinitignan na parang kinikilabutan pa rin.

"Tara na nga! Maglibot na lang tayo at para naman maka-move-on ako sa sinabi mo. Parang tumatak na siya sa utak ko. Grabe!"Hindi niya na ako hinintay na makasagot at dire-diretso na siyang umalis. Alam kong napipikon na siya sa akin kaya sumunod na lang din ako pero hindi pa rin ako humihinto sa pagtawa.

Nag-try pa kami ng iba't ibang klase ng street foods kaya naman hindi lang kami umuwing busog kun'di butas din ang bulsa. Ayos lang din naman kasi pareho kaming nag-enjoy.

Ngayon ay tahimik na lang naming tinatahak ang daan pauwi. Walang nagsasalita pero hindi naman awkward ang atmosphere ng paligid. Sometimes, a complete silence is what all we needed to gather ourselves back and regain our strength and energy.

Huminto ang sasakyan sa harapan mismo ng bahay namin ni Kade. Bumaba kaagad ako pero bago ko isinara ang pinto ay nagpasalamat muna ako."Thank you sa pagsama sa akin at sa paghatid na rin kahit same subdivision lang naman talaga tayo."

Natawa ito ngunit kalaunan ay binigyan ako ng isang saludo."No problem. Pa'no? Una na ako?"

Nang tumango ako ay umalis na rin kaagad siya dahil ilang metro pa ang layo ng bahay niya sa amin. Pumasok na rin ako kaagad sa bahay nang makitang wala na si Rham dahil nagsisimula na ring lumamig ang hangin. Tiningnan ko ang wristwatch ko at napagtanto kong alas sais na pala ng gabi.

Busog na rin naman ako kaya napagpasyahan kong dumiretso na lang sa kwarto at matulog. Dahil hindi buo ang gabi ko kung hindi nakakapag-half bath, pumasok muna ako sa banyo at nang akmang maghihilamos ako ay isang bagay ang nangyari. Nagsuka ako nang nagsuka hanggang sa wala na akong mailabas.

Shet. An'yari?

Pumasok sa isip ko na baka nasobrahan lang ako kanina sa pag-kain kaya ngayon ay nagsusuka ako. Tama! Iyon nga siguro ang dahilan. O baka kaya may nakain lang akong hindi maganda kanina.

Sinubukan kong isawalang bahala ang nangyari dahil baka nagkataon lang talaga ito. Natulog ako pero alam kong may parte sa isip ko ang bumabagabag sa akin.

Sana naman hindi tama ang iniisip ko.

•••

"Good morning, class."Malamya ang boses ko pero nakuha ko pa ring ngumiti nang batiin ko ang mga students ko. Nagising din ako kanina na parang pagod na pagod kaya naman na-late ako sa bagal kong kumilos. Hindi rin ako kumain dahil wala akong gana at hindi ko gusto ang ulam.

As usual, natapos ang araw na puro pagtuturo at paperwork ang inatupag ko. Naglalakad na ako sa hallway nang biglang mag-vibrate ang phone ko indicating na may nagmessage sa akin. Binuksan ko ang Messenger ko at isang chat mula sa isang kakilala ko noon ang bumungad sa akin. I clicked it, curious kung ano ang buong mensahe.

Patricia Diaz

Hey, Izzy! Good afternoon. Gusto ko lang sanang ipaalam sa'yo na may mangyayaring reunion tayo this coming weekend kasama 'yong mga dating classmates natin noon. Hope you'll come.

Ni-reply-an ko naman kaagad ito.

Izzy Delgado

Sure! Pupunta ako. Tuesday pa naman so I can still prepare pa. Anyways, thank you for informing me!

Nagpatuloy ang convo namin dahil ipinaalam niya pa sa akin ang venue kung saan gaganapin and nagkumustahan din saglit. Hanggang sa maka-uwi at makahiga sa kwarto ay nagpapalitan pa rin kami ng messages pero isang message ang nakapagpahinto ng mundo ko.

Patricia Diaz

Kumusta ang buhay may asawa? I'm sure sasama si Kade niyan. Alam naman natin na simula first year ay lagi nang nakadikit sa'yo 'yan. Hahaha!

Para akong nawalan ng utak saglit dahil hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Should I tell her about what happened? No, it will just bring back the pain that I'm still trying to forget. How about I lie? Still a no, Kade will be there and they will soon find out that I lied. I will just make myself look pathetic.

Izzy Delgado

That was a long time ago. Kade is no longer like that. Nagbago na siya.

There. A single message with two meanings.

Patricia Diaz

I know at ikaw lang ang nakagawa no'n. Haba ng hair mo, teh! Sana all na lang 'di ba? #Couplegoals

Mapait akong ngumiti. Habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa message na 'yon ni Patricia ay dahan-dahan na ring nagsipatakan ang mga luha ko.

Tangina. Akala ko naka-move on na ako pero hindi pa parin pala. Ano bang gayuma ang ginamit ng mokong na 'yon at ganito ko siya kamahal?Paano ko siya haharapin nito kung ganito karupok ang puso ko?Masasaktan na naman ba ako?




Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon