Izy's POV
"Rham..."
Nakangiti siyang lumapit sa akin. "May nan'yari ba?" Concern is evident in his voice.
Pinunasan ko muna ang luha ko bago sumagot. "He cheated..."
I never imagined na mangyayari 'to at lalabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. Bakit, Kade? Bakit mo nagawa sa'kin 'to?
Nangunot ang noo niya. "Your husband?" he asked carefully.
Napatawa ako ng pagak sa word na 'husband'. "Yeah... My husband."
Napatitig ako sa kamay niya nang mag-abot siya ng panyo. "'Wag kang mag-alala, walang dumi iyan. Hindi ko pa 'yan ginamit. Promise!" Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.
Napapa-iling akong tumawa. "Wala naman akong sinabi, ah. Defensive?" I teasingly asked. Gumagaan na rin ang pakiramdam ko dahil may kasama ako.
Ngumuso siya at napakamot sa ulo niya. "Pansin ko kasi na lagi mo na lang akong jina-judge."
Napayuko naman ako sa sinabi niya. "Hindi kaya," I tried to defend myself.
"Whatever. Ito, oh, tanggapin mo na, nangangalay na ang kamay ko," reklamo niya. Kinuha ko naman kaagad ito sa kamay niya at ipinunas sa mga luha ko na medyo tuyo na din.
"May gusto ka bang gawin para mawala saglit 'yang sakit na nararamdaman mo? Hmm? Tell me."
Halos hindi ako makapaniwala sa tanong niya. Matapos ng mga inasal ko sa kanya, ito ang igaganti niya?Masyado naman 'ata siyang mabait sa akin.
"Bakit?" Nasabi ko na lang.
Mukhang naguguluhan siya sa sinabi ko base sa paraan ng pagkunot ng noo niya. "Huh? Anong bakit?"
"I mean, bakit sobrang bait mo sa'kin?"
Tumingala siya sa kalangitan at malungkot na ngumiti. "It's because you kinda reminded me of her..." Then he look at me, straight into my eyes.
Pain. 'Yan ang nakikita ko sa mga mata niya. Para bang may naalala siyang masakit na alaala.
"Sino'ng tinutukoy mo?" kuryuso kong tanong.
Bigla na lamang siyang tumayo at humarap sa'kin. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Hindi naman 'yon importante."Mapait siyang ngumiti.
I guess, minahal niya ang babaeng tinutukoy niya. Base lang naman sa observation ko sa facial expressions niya. Hindi ko sure kung tama ba ako.
Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay niya sa akin. Anong trip nito at bigla na lang nangla-lahad ng kamay?
"Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ko. Anong gusto niyang gawin ko sa kamay niya? Baliin?
He rolled his eyes. "Tanga ka na nga sa pag-ibig, mahina pa pick-up mo. Tsk."
Aba't! Gago 'to, ah! Sinong tanga? Ako? Baka siya! Hindi niya nililinaw kung ano ang gusto niyang gawin ko.
Kinuha ko na lang ang kamay niya nang hindi pa humaba ang usapan. "Oh, ngayon? Ano n--- Aray! Bwiset!"
Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin ng malakas. As in, LITERAL. Gago talaga 'tong lalaking 'to. Mukhang nabali 'ata ang buto ko sa kamay.
Hinawakan ko ang mga kamay ko na medyo nananakit. Tiningnan ko si Rham ng masama. Napapakamot ng ulo siyang nag-peace sign. Gago.
"Sorry. Ang tagal mo kasing tumayo!Ayan tuloy!"