9:BROKEN HEART

37 0 0
                                    

Izy's POV

Nagmamadali akong umuwi nang matapos ang class hours. Nang makapasok sa bahay namin ay kaagad kong naabutan si Kade na prenteng nakaupo sa isang sofa dito sa living room. Naka-all black siya na para bang may a-attend-an siyang patay pagkatapos ng pag-uusap namin.

"You're here. Take a seat."He motioned the chair infront of him.

Tinitigan ko muna siya bago ako tuluyang umupo. Nangunot ang noo ko nang mapansin ang isang sugat sa leeg niya. Ano namang nangyari sa kan'ya?

"Ano? Magtitigan lang ba tayo dito?"inis na tanong ko sa kan'ya. Para kaming mga timang na sa ginagawa namin.

Bumuntong hininga siya."I want a divorce."

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Inaasahan ko namang 'yon ang ipinunta niya dito pero bakit umaasa pa rin akong pumunta siya rito para maayos 'tong relasyon namin? Bakit nasasaktan pa rin ako?

Tumawa ako pero it turns into a bitter one."You know what? You're an asshole! Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan. Sa'kin dapat manggaling 'yan pero ano? Ikaw pa ang may ganang magsabi. Ang kapal-kapal mo!"nanggagalaiting sigaw ko habang nakaduro sa pagmumukha niya.

Napatayo na rin ako nang tumayo siya. Bakas sa mukha ko ang galit habang ang kan'ya ay hindi ko mabasa. Good at hiding emotions, huh?

"I'll take care of everything. All you have to do is to sign the divorce papers. Simple, isn't it?"turan niya na para bang hindi pagmamahal ang dahilan kung bakit kami nagsasama.

Napakuyom ako ng kamay. Simple?Wala na ba talagang saysay sa kan'ya ang pagsasamang ito para masabi niyang simple lang ang pagdi-divorce?

"I hate you..."usal ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. I want to hurt him so that he can also feel what I am feeling right now. It hurts. It fucking hurts!

"I know that you hate me and I don't care. I don't want to be with you anymore so let's end this nonsense relationship,"he said while looking into my eyes. His eyes are emotionless. I can't read them.

Hindi ko mapigilang mapangisi nang may maalala ako.

"So, ano 'yong mga sinabi mo no'ng kinasal tayo? Biro lang ba ang mga 'yon, Kade? Biro lang ba?"Tinitigan ko ang mga mata niya at may munting pag-asang nabuo sa puso ko nang makitang nagkaroon ng emosyon ang mata niya.

"Hindi. Walang kasinungalingan ang lahat ng sinabi ko noon. Alam ko na galing ang lahat ng 'yon sa puso ko pero ngayon? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung matutupad ko pa ang mga panatang binitawan ko. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Naguguluhan na ako kung ikaw pa ba talaga ang laman nito."Tinuro niya ang parte kung nasaan ang puso niya.

Napatawa ako sa sagot niya.

"Naguguluhan? Kade, naman! Hindi ka lang sa'kin at sa mga taong sumaksi sa kasal natin nangako, pati na rin sa Kan'ya kaya 'wag mong sabihing hindi mo na alam kung matutupad mo pa ito. Please..."

I can't take it anymore. I cried. I cried while looking at his eyes. Nakikita ko ang awa sa mga mata niya pero hindi 'yan ang gusto kong makita. Gusto kong makitang nagsisisi siya. Kahit 'yon lang.

"I'm sorry. I'm sorry... Hindi ko intensyong saktan ka pero hindi ko na alam kung ano 'tong nararamdaman ko sa'yo. Kung pagmamahal pa ba 'to o hindi na."

"What about your vow? Noon bang sinabi mo ang mga 'yon, naguguluhan ka rin ba? Teka, teka..."Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang likod ng palad ko."Did you really love me, Kade?"

Please, tell me that you've love me, Honey.

Napaatras ako nang magsimula siyang lumapit sa'kin habang ang mga mata niya ay nagsusumamo.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon