Izy's POV"Why the hell would you want to go to a bar?"Rham asked.
Tumawa ako."Gusto ko lang i-enjoy ang araw na 'to."
Ilang segundo niya akong tinitigan bago bumuntong hininga."Fine pero walang maglalasing, okay?"he asked like he is my father.
Tumango ako at ngumiti. Umiling-iling siya bago niya pinaandar ang kotse.
"Kumusta nga pala si Kelly?"basag ko sa katahimikan.
I know na bago ko pa lang nakilala si Kelly pero sobrang gaan talaga ng loob ko sa kan'ya. I want her to be my friend.
Ngumiwi siya bago umiling."Okay lang naman."
Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Okay lang? 'Yan lang?
"Hindi ba kayo nag-away habang nagmamaneho ka?"natatawang tanong ko.
Napapansin ko no'ng una pa lang na mainit ang dugo nila sa isa't isa. Para silang aso't pusa, hindi mapaglapit.
"Tsk. That girl is a brat."naka-ismid na sagot niya."Alam mo bang no'ng hinatid ko siya ay panay siya reklamo kesyo mainit daw, ang bagal ko raw magmaneho so dahil napikon na ako sa kakareklamo niya, binilisan ko pero alam mo anong sunod na ginawa niya?"
Nag-isip ako nang ilang segundo bago umiling."Hindi."
"So 'yon nga, binilisan ko 'di ba? No'ng binilisan ko, nagreklamo na naman siya! Sabi niya,"Are you planning to kill me?" with her so annoying voice. Then she also tried to hurt me by slapping my arms with her hands!"
Natawa ako sa paraan ng pag-complain ni Rham sa attitude ni Kelly. Mortal enemy nila siguro ang isa't isa kasi mainit ang dugo nila sa isa't isa.
"Nahatid mo naman siya ng ligtas 'di ba?"tanong ko matapos kong tumawa.
Nakasimangot siyang tumango.Cute ng lalaking 'to. Sarap pisilin ng pisngi niya. Parang siopao.
"We're here,"he announced as soon as the car stopped at the entrance of the bar.
Base sa appearance niya sa labas, mukhang disente naman ang bar na 'to. Walang gaanong decorations sa hallway papasok at mula rito ay kita ko ang dalawang lalaking sa tingin ko ay bouncers. Sobrang lalaki ng katawan nila na para bang isang suntok lang nila sa kalaban nila ay mababali ang buto nito.
Umikot si Rham at pinagbuksan ako ng pinto. Nang tuluyang makalabas ay napahugot ako ng hangin. Kinakabahan ako. First time ko pa lang pumasok sa ganitong lugar. Marami na ang umaya sa'kin noon pero lagi kong tinatanggihan dahil alam kong magagalit si papa. Sobrang strict no'n.
"Let's go?"Rham asked as he motioned the hallway.
Tumango ako at tsaka kami sabay na naglakad. Huminto kami nang harangin kami ng dalawang bouncers na tinutukoy ko kanina.
"Pass?"tanong ng isa sa malalim na boses. Parang galing sa ilalim ng lupa ang boses ni kuyang bouncer. Ang lalim.
Tiningnan ko si Rham dahil hindi ko maintindihan ang sinabi ng lalaki.
Rham smiled at me, giving me assurance. May kinuha siya sa bulsa niya na kasing liit ng credit card at kulay ginto ito. Inilahad niya ito sa bouncer na humihingi na tinanggap din naman ni kuya.
Nagtaka ako nang makita ang gulat na nakapinta sa mukha ng bouncer. Bumulong siya sa kasama niya at mas lalo akong nagtaka nang man'laki ang mga mata nito.
Ano bang meron sa card na binigay ni Rham?
Blackmail? Death threat? Ano?
"Magandang araw po, sir. Pasok po kayo,"then yumuko sila kay Rham.
Tinaasan ko ng kilay si Rham para ipaalam sa kan'yang nagtataka ako sa mga nangyayari. Siya ba may-ari nito?
Bahagya lang na tumawa si Rham bago ako hinila papasok sa loob. Para namang nawala saglit ang mga katanungan sa isip ko nang makita ang kabuuan ng lugar. Is this freaking true?!
Woah! Another woah! This place is amazing. I like it.
"Beautiful..."I whispered.
Tama nga ako. Napaka-disente ng loob. Maraming tao pero hindi ganoon ka-gulo. Maingay pero dahil 'yon sa sounds na ginagawa ng DJ. I think this club is private. Lahat kasi ng nakikita ko, mukhang mayayaman. All of them were looking gorgeous and handsome in their dresses and suits.
"Yeah...So beautiful..."
Napalunok ako ng laway nang maramdaman kong nasa akin ang paningin ni Rham at hindi sa lugar na tinutukoy kong maganda.
What the---
Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman kong umiinit ang pisngi ko. Am I blushing?
Rinig kong tumikhim siya matapos ang awkward na katahimikan na bumalot sa'min kanina lang."Ahm... Sorry... Uh... Let's find a table. Shall we?"tanong niya sa isang maliit na boses.
Dahan-dahan akong tumango bago sumunod sa kan'ya. Nasa likod lang niya ako hanggang sa may tumawag sa pangalan ni Rham.
"Rhamsiz!"
Nahinto kaming dalawa sa paglalakad at iginala ang mga mata namin para hanapin ang sumigaw. Kinalabit ko si Rham nang makita ang tumawag sa kan'ya na tinataas ang kamay at binibigyan kami ng signal na pinapalapit kami. Itinuro ko sa kan'ya ang table ng mga sa tingin ko ay mga kaibigan niya. Ngumiti muna siya sa akin ta's tumango bago ako hinila papunta ro'n.
"Uy, pare! Kamusta? Halika! Upo ka at ng girlfriend mo rito,"bungad nila sa amin nang tuluyan kaming makalapit. Hinayaan ko na lang ang pag-adress nila sa'kin as Rham's girlfriend kahit na nahihiya ako rito.
"Salamat, pare,"then kasabay nang pag-upo ni Rham ay ang marahan niya ring paghila sa'kin dahilan para mapa-upo ako sa tabi niya.
Bale anim kami lahat dito sa table na 'to. Apat kaming babae at dalawang lalaki. Mukhang mabait naman ang lalaki kasi warm 'yong paraan ng pag-welcome niya sa amin. 'Yong babae naman na katabi niya, which I assume na girlfriend niya is mukhang mabait din naman. Kahit kasi hindi siya nagsasalita ay naka-ngiti lang siya sa'kin.
'Yong tatlong babae? No comment.
"Who is she, Rham?"tanong ng katabing babae ng girlfriend ni Nice guy. Naka-taas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin. Hindi niya man lang itinatago ang pagka-disgusto niya sa'kin. Tsk.
Circular ang table namin at ganito 'yong seating arrangement namin;Ako, si Rham, 'yong babaeng kulot, 'yong babaeng mas makapal pa ang make-up kaysa sa encyclopedia,'yong babaeng nagtanong na kamukha ni Mrs.Ricket, 'yong girlfriend ni Nice guy, and last but not the least, si Nice guy.
Rham cleared his throat."Guys, this is Izy Delgado. She is my friend. Izy, this is Clark, Rhian, Reina, Cassy, and Kira."Isa-isa niyang tinuro ang mga kaibigan niya mula kay Nice guy na ang pangalan pala ay Clark.
"Nice to meet you, Izy."
"Nice to meet you."
"It's nice meeting you."
Mga salitang naririnig ko sa kanilang lahat. Binigyan ko sila ng sincere na smile bago ako bahagyang tumango.
"It's my pleasure to meet you all. I hope, we'll be friends..."I sincerely said.
"Of course. We will."sagot naman ni Reina.
Hindi ko alam kung ako lang ba o hindi talaga maganda ang ibig sabihin no'n?
•••
Daily reminder:
God love you,he really do.Please,stop doing sins.Make your relationship with God stronger and don't let anyone or anything break it.Stay safe.Stay hydrated.Love you!-M