Izy's POV"Rham?" patanong na sagot ko. Ba't siya nandito? Akala ko ba mag-uusap kami ni sir Ali? Bakit pati ang nakaka-inis na lalaking 'to ay nandito rin?
"Surprised?" mapanuyang tanong niya.
"Sir?" Imbis na sagutin siya ay bumaling ako kay sir Ali.
Bumuntong hininga si sir. "Umupo ka muna, Izy," utos niya.
Naguguluhan akong sumunod. Magkaharap na kami ngayon nitong Rham. Mukha siyang kambing habang ngumunguya ng chewing gum.
"Ano?" asik niya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.
Ngumiwi ako at hindi na sumagot. Tumikhim si sir Ali para kunin ang atensyon namin. "Good morning, ma'am Izy. I know you're wondering why I summoned you here together with my son. Honestly... I want to personally ask you and Rhamsiz a favor."
Kumunot ang noo ko. "Pabor? Ano namang pabor 'yan, Sir?"
"Pwede bang... kayong dalawa ang magtulungan para ma-improve ang academics ni Ian? Okay lang ba?"
Nagkatinginan kami ni Rham at napa-irap ako nang malukot ang mukha niya na nagpahalata sa pagkadisgusto niya sa favor na hinihinga ng Papa niya. Hindi halatang ayaw niya sa'kin, ah.
"Pero... sir, marami naman pong ibang teacher diyan. Bakit po ako?At isa pa po,hindi naman po ako ang may hawak kay Ian," rason ko. Kapag hindi ko 'to napigilan tiyak na magkakaroon ng rason para magkasama kami nitong mokong na 'to.
Ewan. Ngayon lang kami nagkita pero ayaw ko na kaagad sa kanya. Kung ang iba ay nala-love at first sight, ako naman, na-hate at first sight.
"Kaya kong turuan ang pamangkin ko nang hindi humihingi ng tulong ng iba so please, dad... 'wag na,"he begged.
Teka lang. Bakit ba parang big deal sa kanya na may tumulong sa kanya na turuan ang pamangkin niya?
Teka... so, pamangkin niya lang pala si Ian? Ang tanga! Akala ko anak niya 'yong bata!
"Ayaw ko ng ideyang 'to sa totoo lang pero bakit parang big deal sa'yo na may tumulong sa'yo? Ayaw mo ba na tulungan ka na ma-improve ang acad ng pamangkin mo?" litanya ko. Anong meron sa pagtulong para tanggihan niya ito? Hindi ko talaga maintindihan ang paraan ng pag-iisip ng isang 'to.
Seryoso siyang tumingin sa'kin saka tumawa ng pagak. "Wala kang alam."
Nagulat ako sa kung gaano siya kaseryoso na para bang may sinabi akong nagpagalit sa kanya.
"Tama na!"
Napaigtad ako sa biglang pagsabat ni sir Ali sa usapan namin ng anak niya.
"Izy?"
"Yes, Sir?" sagot ko nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Consider this as a favor. Kailangan ko ng tulong mo kaya sana, tulungan mo ako," he seriously said.
Napatango na lang ako dahil alam kong hindi ko matatanggihan si sir Ali. Ang malas ko naman 'ata ngayon!Kainis!
Marahas na tumayo si Rham at padabog na umalis. Natahimik ang silid sa biglaang pag-walk out niya.
Tumikhim si sir Ali kaya napalingon ako sa kanya. "Alam kong nagtataka ka kung bakit ikaw ang napili ko sa dami ng teacher ng school na 'to. Sa totoo lang, nakita ko 'yong eksena kung saan tumakbo si Ian papunta sa direksyon mo. Sa tingin ko ay kumportable siya sa iyo kahit na hindi naman kayo magkakilala kaya ikaw ang pinili ko," paliwanag ni sir. Nakita niya pala kami ng apo niya.