Izy's POV
"Weh? 'Di nga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Grabe naman 'atang coincidence 'to. Sa laki ng Manila, talagang dito rin siya nakatira?
He giggled. "I'm serious, Ma'am. Nakatira na talaga ako dito since I was a kid."
"So, hindi mo ako sinusundan?" Muntangang tanong ko pa. Malay natin, nandito lang 'tong lalaking 'to para manggulo.
He smirked. "I didn't know na feelingera ka pala, Ma'am."
Napapahiya akong nagsalita. "Sorry. Akala ko kasi sinusundan mo talaga ako. 'Di ba pinagbantaan mo ako noon?"
Kumunot ang noo niya at napahawak sa chin niya na para bang inaalala kung kailan 'yon. Ang OA naman nito mag-recall.
He snapped his fingers as soon as he remembered it. "Tama! Iyong first meet natin. Naku! Nagbibiro lang ako no'n." Ta's tumawa siya.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at sumabay naman siya. "Gano'n?"
He nodded. "Matanong kita, Ma'am. Anong first impression mo sa'kin no'ng unang kita natin?" He curiously asked.
I chuckled as I remembered the first thing that came up in my mind when I meet him. "Arogante, mayabang at higit sa lahat, bossy!" Diniinan ko ang word na bossy para mas ramdam niya talaga na ayoko sa kanya no'ng una ko siyang makita.
"Nahiya ka pa. Sana sinabi mo na lang na pangit overall. Tsk." He rolled his eyes.
Natawa ako sa asal niya. "Sa una lang naman 'yun, eh. Nang makilala na talaga kita, nasabi ko na hindi ka naman talaga gano'n kasama," I sincerely said.
"Hindi naman talaga ako gano'n kasama. Judgemental ka lang."
Napanguso ako sa paratang niya. Sumobra ba ang pagiging judgemental ko?
"Oh, hindi ka na makapagsalita diyan," puna niya.
Umiling ako. "Wala. 'Wag mo na lang akong pansinin."
Kumunot ang noo niya saka bahagyang tumawa. "Pa'nong hindi kita napapansing, eh nasa gilid lang kita."
Napakamot ako sa batok ko dahil sa sinabi niya. "Basta. Tumahimik ka na lang. Gusto kong mag-jogging, hindi makipag-usap sa'yo. Okay?" Nag-thumbs up ako.
Nagkibit balikat siya bago sumagot, "Okay. Samahan na kita."
Napalingon ako sa kanya at tumaas ang kilay nang ma-realize na hindi siya nagbibiro sa tinuran niya. "Kaya ko namang mag-jogging mag-isa kaya no need na samahan pa ako."
Bakit kaya hindi na lang siya umalis nang masimulan ko na ang mag-jogging?
"Gano'n ba? Sige... Marunong naman akong rumespeto ng privacy ng isang tao kaya aalis na lang ako. Enjoy!" Nagsimula siyang maglakad paalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Buti naman umalis na siya. He's respectful din pala.
Nakangiti akong napa-iling-iling. Talaga nga yatang totoo ang kasabihang, "Don't judge the book by it's cover".
Nagsimula na akong mag-jog. Kailangan maaga akong matapos dahil magluluto pa ako ng pagkain. Plano ko kasing hatiran si Kade ngayon ng pagkain.
•••
Tapos na akong mag-luto kaya aalis na ako. Saktong lunch na ngayon. Nagmamadali akong umalis at nagpara ng taxi.
Nang makarating ay kaagad akong bumaba at nagbayad sa driver. Pumasok na ako sa site at dumiretso sa opisina ni Kade. Habang dumadaan ako ay nakikita kong pinapasadahan ako ng tingin ng ibang worker habang ang iba naman ay binabati ako na sinusuklian ko naman ng isang matamis na ngiti.