3: SUBDIVISION

52 3 0
                                    


Izy's POV

Shit na malagkit! What the heck did just happen?

Tinigil na ng babae ang paghalik kay Rham na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

"Hi, babe!" casual lang na bati nito na para bang hindi niya nilamutak ng halik si Rham sa harap ng maraming tao.

Umupo siya sa isang upuan na katabi lang ng kay Rham. Nang tignan ko si Rham, nakakunot lang ang noo niya.

Nang nabaling naman ang tingin ko kay... sino nga ulit 'tong babaeng 'to?

"Who are you?" maarteng tanong niya habang nakataas ang isang drawing niyang kilay. Maldita pala 'tong bruhang 'to.

"Izy," maikling sagot ko.

"Oh! A fling of Rham?" She grinned.

I chuckled. "I'm married, girl." I showed her my wedding ring. "So... no worries."

Mukhang napahiya siya pero kaagad ring nakabawi at nakuha niya paring landiin si Rham. "How have you been, babe?" tanong niya sa isang malanding tono.

Bilib talaga ako sa malalandi, walang pinipiling lugar. Hindi na nahiya sa ibang tao.

"Stop flirting with me, Veronica," May pagbabanta sa boses ni Rham. Muntik pa akong matawa dito. Buti nga.

"But, babe..."

"Babe your face."

Nagulat ako nang ang mga mata nila ay nakapako na sa akin. Oh, shoot! Did I say it loud?

'Yong tingin ni Veronica ay parang gusto na akong balatan ng buhay habang si Rham ay parang nagpipigil ng tawa dahil sa laki ng ngisi niya.

"Anong sabi mo?" galit na tanong ni Veronica. Uh-oh, mukhang may naging tigre.

"May sinabi ba ako? Wala naman 'di ba?" I acted innocent.

Mas lalong namula ang mukha ni Veronica sa galit. "Bitch!"

"If I am a bitch then you're a flirt!" singhal ko sa kanya. Akala niya siya lang ang palaban dito. Nagkakamali siya dahil kapag ako ang inunahan, expect na gaganti ako.

"Stop it! 'Wag kayo dito mag-away." Nahinto kami dahil sa seryosong boses ni Rham.

Inirapan ako ni Veronica at saka ibinalik ang atensyon kay Rham. "Babe, let's go shopping. I want to buy some bags and shoes," pabebeng sabi niya.

Ang sarap tadyakan sa puson nito. Hindi ba siya nahihiyang lumandi sa harapan ko?

"Go away, Nica."

Gusto kong tumawa sa sagot ni Rham. Naalala ko kasi 'yung scene sa Frozen na sinabihan ni Elsa si Anna ng exact na sinabi ni Rham, iba nga lang 'yung pangalan. Kawawang linta.

Nagpapadyak si Nica at nag-pout pa. Nagmukha tuloy siyang patong nakadamit.

"I hate you!" singhal niya sabay tayo.

Nakatingin lang kami ni Rham sa kanya habang nakatayo siyang parang timang sa harap namin. Anong trip nito?

"Hindi mo ba ako pipigilan? Ha?" Halata ang inis sa boses niya. Aalis siya ta's hinihintay niyang pigilan siya ni Rham, may sira ata siya.

Rham smirked. "You're free to go and do whatever you want to. I won't stop you."

This time, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa ako. 'Yung reaction ni Nica, priceless! Ayan ang napapala ng malalandi.

Mukhang napahiya siya kaya umalis na lang talaga siya pero bago siya tumalikod, inirapan niya muna ako. Napailing-iling na lang ako.

"Okay ka lang?" Rham asked.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon