Izy's POV
"Ito pa. Masarap 'to."usal ni Reina kasabay nang pagbigay niya ng isang maliit na baso na may lamang kulay asul na alak.
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang baso na 'to sa sobrang bilis ng ikot. Mula kay Clark hanggang sa'kin. Ramdam ko na rin na medyo umiikot na ang paningin ko pero okay pa naman. Kaya pa.
"Tama na 'yan, Reina. Lasing na si Izy,"saway ni Rham na tinawanan ko at sinabayan naman ako ng mga kasama namin. KJ nito.
Alam kong nangako ako kay Rham na walang maglalasing pero nakumbinsi ako---I mean, kami, nila Clark na uminom kasi hindi naman daw nakakalasing ang mga alcohol na in-order nila. Sa sobrang pangungulit nila, napapayag nila si Rham and even me na uminom.
"Hindi pa ako lasing, Rham. Baka nga ikaw pa,"pang-aasar ko sa kan'ya.
Tumawa ang mga kasama namin habang bumusangot naman si Rham, halatang naa-asar.
"Hindi ako lasing dahil bawal akong malasing. Ako ang mag-dri-drive sa'tin pauwi kaya wala muna sa vocabulary ko ngayon ang drunk. Ayaw ko pang mamatay, 'no,"naka-ismid na wika ni Rham bago uminom ng lemon juice.
Napa-iling na lang ang mga kasama namin sa sagot niya pero ako? I mentally thanked him for his thoughtfulness. He is a responsible man, indeed.
•••
Nagpa-alam ang mga kasama namin na sasayaw muna sila kaya kami na lang dalawa ni Rham ang nandito ngayon sa table. Medyo awkward 'yong atmosphere ng paligid dahil walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nasa dance floor ang paningin niya. Maybe, checking out some hot girls?
Habang ako naman dito ay pinaglalaruan lang ang alak na nasa loob ng baso. Pinapanuod ko kung paano gumalaw-galaw ang liquid sa loob kasabay ng mga ice cubes.
Kanina pa ako umiinom pero hindi ko naramdamang nalalasing ako. Oo, medyo nahihilo ako pero para sa'kin, hindi pa 'ko lasing kasi kapag nalasing ako, hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Para akong sinasapian ng ibang tao at nakaka-gawa ako ng mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa. 'Yong tipong, pagkagising ko, malalaman ko na lang sa ibang tao na ginawa ko 'to, 'yan at iba pa. Nakakahiya kapag dahan-dahan mong naalaala ang lahat, as in.
"Kaya mo pa ba?
Nilingon ko si Rham nang magsalita siya. Ngumiti ako."Oo naman. Medyo mataas naman ang tolerance ko sa alcohol,"ani ko tsaka inilagay sa lamesa ang baso ng alak na hindi ko na ininom dahil nawalan ako ng gana.
He chuckled while looking at me."What I mean is kaya mo pa ba ang nangyayari sa relasyon n'yong dalawa."
I mentally slapped my face because of my stupidness. Nakakabobo na pala ngayon ang sakit na dala ng pag-ibig. 'Di ko knows.
I just shrugged."Ewan. May parte sa'kin na sumisigaw na kaya ko pa pero may parte rin sa'kin na nagsasabing itigil ko na kasi sumuko na siya. Ang gulo."
That's the truth. Parang gusto ko pa pero 'wag na lang kasi para saan pa kung may iba na siya?
Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako kung paanong gano'n kadali na lang para kay Kade na sirain ang relasyon namin. Almost five years din 'yon pero napunta na lang sa past kasi may present na siya. Masakit kasi alam ko namang ginawa ko ang lahat. Nagpakabuti akong asawa kasi nga mahal ko siya. Tapos lolokohin niya lang pala ako.
May parte rin sa puso ko na nagagalit kasi pinagpalit niya ako. Sinira niya ang panata niyang hindi niya lang sa harap ko sinabi kun'di pati na rin sa Kan'ya. Gusto ko rin siyang saktan, iparamdam sa kan'ya ang sakit na ibinigay niya sa'kin pero hindi ko kaya kasi mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng ginawa niya. Tangina.
"Oh. Panyo."
Para akong tangang tinititigan lang ang panyo na inilahad ni Rham.
"Umiiyak ka na. 'Di mo 'ata naramdaman."Umiling-iling siya. Pero kahit na gano'n, nakikita ko pa rin ang pag-aalala niya. His eyes are showing it very well. He didn't bother to hide it.
Minsan talaga, iniisip ko kung hindi ba talaga marunong magtago ng emosyon 'tong lalaking 'to kasi kapag tinititigan ko ang mga mata niya, nakikita ko kung ano ang emosyong nararamdaman niya. Hindi kagaya ni Kade. Sobrang galing magtago ng emosyon ng asawa ko. Na minsan, kahit anong gawin kong titig sa mga mata nito, hindi ko pa rin makita ang emosyon rito.
Oh, shit! Lagi na lang siyang pumapasok sa utak ko, randomly. Anak ng tupa naman, oh! Paano na ako makakapag-move on nito kung ang utak ko mismo ay laging inaalala ang tukmol na 'yon?
Bumalik ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng balat na sumasagi sa kamay ko. Tiningnan ko ang katabi ko pero ang mata niya ay naka-focus lang sa pisngi ko. He's wiping my tears...
"Ayan."Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko at ngumiti."Huwag ka nang umiyak. Hindi niya deserve na iyakan."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya. Kasabay ng paglapat ng baba ko sa balikat ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha sa mata ko.
"'Wag mong pigilan. 'Wag mong kimkimin kasi nandito naman ako. I can be your crying shoulder."He whispered in my ear.
Thank you...
Sinunod ko ang sinabi niya at umiyak ako nang umiyak. Huminto lang ako nang maramdaman ko ang panghahapdi ng mga mata ko. Bumibigat na rin ang talukap nito at alam kong inaantok na ako.
He patted my head."Let's go home. I know you're already tired."Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko tsaka ako marahang hinila patayo.
Hinila niya ako hanggang sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa may back seat at pumasok naman ako rito. Maya-maya ay sumakay na rin siya at nag-drive. Nasa labas lang ang tingin ko.
"Thank you..."Sobrang hina ng boses ko habang nagsasalita. Hindi ko rin inalis ang paningin ko sa labas kahit na kinaka-usap ko siya.
Hindi ko makita ang reaksiyon niya pero na-i-imagine kong nakakunot ngayon ang noo niya."For what?"
"For staying by my side. For comforting me. For everything you did..."I stopped and sighed."Kung wala ka, siguro sinukuan ko na ang buhay ko. Wala naman kasi akong kaibigan. Si papa na lang rin ang pamilya ko at nasa Cebu siya. Hindi ko siya basta-basta mapupuntahan para may ma-karamay ako."
Hindi siya nag-salita pero alam kong nakikinig siya.
"Buti na lang at ipinadala ka Niya. Kasi pinagaan mo ang puso ko. Tinulungan mo ako sa problema ko. Kaya thank you...Hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Isa ka sa mga taong hindi ko makakalimutan."
"Ano ba 'yan,"natatawa niyang saad."Para namang mama-maalam ka na."
I didn't answer. I just smiled.
•••
Daily reminder:
God loves you.Trust Him.He will not let anything bad happen to you.Stay safe.Love you!-M