"Lahat tayo, pwedeng magbago.."umiiling na ani pa ni Venus habang katapat ang bagong kakilalang lalaki na ngayo'y mariing nakikinig sakaniya.. "Iba ang epekto ng sakit sa mga taong nagmamahal.."
"Paano mo naman nasabi? Nagkaroon ka na ba ng ganoong kaibigan?"
"Wala.."iling pa ulit niya."Bakit ko kailangang makita sa iba 'yon kung sa'kin nangyari?"
Napatigil ang lalaki at napatitig kay Venus na nakangisi sakaniya na animo'y hindi naaapektuhan sa kahit ano mang sinasabi nito..
"Parte ng buhay ng isang tao ang magbago dahil nasaktan sila.. At kasali ako sa mga 'yon,"
Iba ang tensyon na nararamdaman ng lalaki habang nakatitig kay Venus na nakatingin na ngayon sa kawalan. Bakit nga ba nagbago ang babaeng ito.. Ano nga bang dahilan bakit nagkaganito ang babae?
Ang pagbabago ba ng isang desisyon o kusa na lang nararamdaman ng tao dahil sa sakit na naramdaman?
Hindi lahat ng pagmamahal ay palaging sarap ang pakiramdam.. Hindi lahat ng nagmamahal ay palaging masaya. Katulad ng sinasabi ng ibang tao, nakababaliw ang pag-ibig. Nakakasakit din ang pagmamahal ng isang tao..
Paano nga ba nila nakakayanan ang lumaban pa sa buhay kahit na ang pagmamahal na iyon ang naging sanhi para magbago ang isang tao? Hindi lahat ng istorya ay puno ng pagmamahal at kilig lang. Dahil sa sitwasyon ni Venus.. Pait at Puot lang ang nararamdaman niya..
"Kaya.. Mag-iingat ka sa susunod,"marahang sabi pa ni Venus at tinignan ang lalaki sa mata. "Ako na ang nagpapaalala sa'yo.. 'Wag mong mahalin ang isang taong hindi naman sigurado sa'yo dahil kung gaano mo siya kamahal.. Triple non ang sakit na mararamdaman mo,"
"Paano kung hindi naman katulad ng taong mamahalin ko yung mga taong minahal mo na sinabi mong nanakit sa'yo kaya ka nagbago?"
"Edi, congrats.. Magpasalamat ka na lang dahil nagmahal ka ng tamang tao. Hindi katulad ko."iiling-iling nitong sabi at sumandal sa inuupuan.."Wala talagang permanente sa mundo. Hindi lahat ng tao na minamahal mo ay mananatili sa tabi mo. Hindi porke palagi silang nasa tabi mo, pipiliin nilang manatali parin habang-buhay.. 'Yon ang dapat mong tandaan."
WARNING: THIS STORY MAY INCLUDE BAD WORDS OR BULGAR WORDS OR ANY SCENES THAT AREN'T ACCURATE FOR VERY YOUNG AUDIENCES! READ AT YOUR OWN RISK!
...
PLAGIARISM is a CRIME!Disclaimer:This is a work of Fiction, Names, Characters, Business, Places, Events and Indicates are either the products of the author's imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental...
Okay? Okay..
-gazery
SUPER SUPLADA© All Rights Reserved 2022
BINABASA MO ANG
The New Me
RandomMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...