Napakunot ang noo ko nang maramdaman ang mainit na palad na tila hinihimas ang isa kong balikat.. Nakaramdam din ako ng marahan na haplos sa aking pisnge kaya hindi ko maiwasang mapamulat ang mga inaantok kong mga mata saka ako napatingin sa gumagawa ng galaw na iyon..
Dahan-dahan namang pumorma ang labi ko sa pagkakangiti nang makita si Daddy na nakaupo lamang sa sahig sa tabi ng kama ko habang nakahawak sa balikat ko at ang isa niyang kamay ay nasa buhok ko, sinusuklay iyon..
"Good morning, my love.."bati nito sa'kin at pinanood akong maupo ng maayos..
"Good morning, Dad.. Hindi ka po ba papasok?"
Umiling si Daddy at umupo na sa kama ko saka niya hinawakan ang kamay ko.. "Susunduin ko na si Tita Mariel mo at ang magiging nga kapatid mo, dito na sila titira.."
Hindi na ako natigilan nang sabihin ni Daddy iyon dahil kagabi pa lamang ay nahihinalaan at inaasahan ko ng dito titira ang mag-iina dahil susunod na sila bilang legal family..
"Are you comfortable with that? Just tell me if you're not yet ready, pwede ko namang iusog ang schedule.."
Agad akong umiling at ngumiti.. "It's fine, Dad.. This house is yours, you can do anything here."
"Oo nga pero bahay mo na rin ito, Venus. You're my daughter. So, bago ako magdecide kailangan ay alam mo muna."
Napangiti ako dahil doon at napahiga ang ulo sa balikat ni Daddy habang hawak-hawak ko parin ang mga kamay niya at hinahaplos iyon.. "Kung anong desisyon mo, 'yon na rin po ang desisyon ko.. Isa pa, marapat naman talagang dito na tumira sila Tita Mariel dahil soon to be Jimenez na sila.."
BINABASA MO ANG
The New Me
RandomMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...