"Oh, Venus.." agad na sabi ni Daddy at akto siyang tatayo para sana batiin ako nang dumeretso ako sa refrigerator at kumuha ng bottled water doon.
Blangko parin ang mukha na uminom ako doon at hindi man lang siya inatubili na batiin, gayong nakasanayan namin ang ganoon..
"Your hair looks good to you, Anak! How's your gala with your friends?"
Tinigil ko ang pag-inom sa bottled water at lumingon sakaniya. Nang makita niya ang mukha ko ay napatigil siya. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkabigla at tila naguguluhan sa ipinapakita kong emosyon..
"V-venus.. Are you okay?"
"Is there a reason to be not?" tanong ko pabalik na hindi niya mapaniwalaan, kita ko ang gulat na tingin sa'kin ng ibang maids na nandoon..
"Venus.." sa tono ng boses nito sa pagtawag sa pangalan ko ay alam ko ng hindi nito nagustuhan ang inasal ko..
"Looks like you're having fun, Dad huh?" sarkastiko kong sabi at pabagsak na inilapag ang bottled water sa lababo.. "It's fun to know na nagawa mong kumain without me and Luan, how great.."
Napatitig sa'kin si Daddy na tila binabasa ang nasa isip ko pero napatakla siya dahil nabigo siya. Katulad ng ekspresyon ng aking mukha ay gano'n din ang ekspresyon ng aking mga mata. Walang sinuman ang makakabasa..
"Ah, I remember.." maloko kong sabi at tinapik pa ang sentido ko.. "Ikakasal ka na pala sa bago mo. Ang tanga ko naman, hays.."
"Venus, hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi mo. What's happening to you? Nagpabago ka lang ng buhok, bakit pati yata ang pag-uugali mo?"
"Ano bang pag-uugali ko, Dad?" tanong ko.. "Iyon bang.. mas anghel pa sa anghel? Yung madaling mauto at maloko? 'Yon ba?"
Napabuntong-hininga ako at sumulyap kay Tita Mariel at Katy.. Ngumisi ako ng tipid at binasa ang labi ko.
"I'll ask you a question.." sarkastiko ko na agad na sabi.. "How is it possible that Snaky had that 'SNAKY' name if Katy deserves that name?"
"What did you say?" parang nababastusan na sabi ni Tita Mariel pero natawa lang ako ng mahina at tumitig kay Katy..
"Hindi pa pala niya alam.. Aww.. Nakakaawa naman," nguso ko kunwari at tinanggal kaagad iyon saka maangas na umalis doon..
Naramdaman ko ang basa sa kaliwa kong pisnge galing sa kaliwa kong mata. Agad kong pinunasan iyon at umakyat sa kwarto ko.
Tila pagod na pagod na hiniga ko ang likod sa malambot kong kama at napatitig sa kisame.. Ilang oras akong tumulala at hindi man lang nakaramdam ng gutom. Pagod na pagod ako at dapat nagugutom ako pero bakit parang nawawalan na ako ng gana? Gan'to ba talaga kapag nararamdaman mong nagbabago ka na at ang nasa paligid mo?
Pipikit na sana ako para pilitin na makatulog nang marinig ko ang katok sa labas ng kwarto ko.
Tumakla ako at inis na tumayo saka binuksan ang pintuan. Agad nawala ang pagkakasalubong ng mga kilay ko nang makita si Daddy na nakatayo doon habang may hawak na tray na may nakapatong na plato ng pagkain na hula kong para sa'kin.
BINABASA MO ANG
The New Me
AcakMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...