Chapter 18

22 0 0
                                    

"Saan ang next schedule mo, Zi?"tanong ni Tannort habang pinapanood ako na ikigay ang mga gamit ko sa locker ko. Kinuha ko ang uniform ko sa taekwondo saka isinenyas iyon sakaniya.."Ah, may Taekwondo class ka pala?"





"As coach and senior."





"Huwaw namaaaan!"hiyaw niya na ikinangisi ko ng tipid. Nakatanggap naman siya ng paniniko galing kay Samson na natawa sakaniya.. "Aray ko, hayop ka! Masakit, 'no!"





"Sinadya ko 'yan para magkaroon ka naman ng kahit papaanong hiya! Ang dami-daming tao dito tapos kung makasigaw ka d'yan akala mo, tatlo lang tayo rito.."





"Pakielam mo ba? Kapag ba umuungol ka ng malakas sa banyo ng chix mo, nagreklamo ako?"





Napaawang ko ang labi dahil sa biglaan niyang pagsabi non. Parang gusto ko tuloy ibalik ang orasan para matakpan ko iyong mga tenga ko na nananahimik! Itong dalawang 'to, kahit kailan ay walang preno ang mga masasahol nilang bibig..





"Hoy!! Ang ingay mo!!"




"Nauna ka, eh.. Akala mo, ah.."





"Paano mo nalaman iyon?"singit ko nang masarado ko na ang locker ko at mailagay ang hanbok ko sa loob ng bag ko.





"Eh s'yempre.. Nandoon ako eh."





"Eh, bakit ka nandoon?"





Agad namang sumilay ang ngisi niya na ikinakunot ng mga kilay ko. Inilapit niya ang bibig sa tenga ko at ibinulong ang dahilan na dapat talaga ay hindi ko na itinanomg sakaniya!

The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon