Chapter 19

24 1 0
                                    

"So, Coach Zi?"tawag sa'kin ni Coach Lara. Tatlo na kaming nakatayo sa harap ng mga estudyante namin, ako ang nasa gitna.. "Magpakilala kaya muna tayo para mas maging komportable sila, 'no?"





Tumango ako at inilagay sa likod ang mga kamay ko.."Good afternoon for you all, Junior and Senior high schools.. I'm Coach Venus. One of your coaches.."ngiti kong pakilala at sumulyap kay Jerwin na binigyan ako ng irap at naaasiwa na tingin..





'Stalker, who..??'





"Ayaan! Ako naman po si Coach Lara!"pakilala ni Coach Lara na sinundan ni Coach Pancho.. Tumikhim si Coach Lara at pumalakpak ng isang beses.."Oo nga pala, guys! Ito ang unang beses na magtuturo si Coach Venus o Zi as a coach.. Kakagraduate niya lang sa Taekwondo last year and ang masasabi ko lang sa inyo ay hindi katulad ni Coach Zi ang pamamaraan ng training kapag dating sa'min. Pagdating sa training ay mahigpit si Coach Venus kaya magpapakabait kayo, ha?"




Napangisi ako ng tipid at tumango-tango.. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Coach Pancho na para bang natutuwa siya sa mga reaksyon ng mga estudyante niya. Gusto niya yung gan'yan eh. Dati kasi siyang takas sa mental kaya dapat na lang intindihin.





"Coach Venus? Pwede ka ng mag-proceed for warm-up habang kami ni Coach Pancho ay aayusin na lang iyong mga gagamitin natin for first day of training, okay??"




"Okay po!!"





"Pero, bago muna 'yan.."duro ko kay Coach Lara.."Akin na muna iyong log book dahil kailangan nating alamin kung anong mga mukha't pangalan nila, 'no?"





"Ay, oo nga pala.. Sige.."tango nito at pumunta sa may coach's cabinet. Inaabot niya sa'kin ang itim na log book na may pagkamakapal.. Agad kong kinuha iyon at tinignan ang unang page.





Puro sila Junior at naka-alphabetical pa.. Organize na organize ni Coach Pancho, ah.."Game! Alwin Son Matsunaga?"


The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon