Chapter 22

17 1 0
                                    

"Wooo-Hoooooooo!!!"hiyawan ng mga lalaki habang buhat-buhat nila si Toto na tatawa-tawa.. Sabay-sabay nilang inihagis ang mga katawan sa mataas na tubig ng ilog at naglaro doon..





Kaming apat nila Manong, Shanshan, Jerwin ay umupo lang sa may cottage.. Tinulungan ni Shanshan si Jerwin na iayos ang mga chichirya at beer na iinumin ng mga kasama naming lalaki..





"Aba, ang tahimik naman pala dito!"ngiting sabi ni Kuya Manong.. "Ngayon alam ko na kung bakit napasama niyo si Miss Venus.."





Napatingin sa'kin si Jerwin na binawian ko lang din ng tingin saka ako tumayo at pumunta sa may hanggang tuhod na tubig.. Saka ako kumuha ng bato at inihagis iyon sa ilog na apat ang talbog..





Medyo malayo ako doon sa mga lalaki na tuwang'tuwa sa tubig na animo'y ngayon lang nakadating sa ilog.. Hula ko ngang ilang beses na silang pumupunta dito dahil alam na alam nila ang gagawin.





Ako naman ay ngayon lang nakapunta sa ilog dahil hindi naman kami naliligo sa ilog. Lagi kaming beach, resort at dagat. Madalas ay swimming pool..





"Anong trip mo at sumama ka dito?"





Napalingon ako sa tabi ko nang magsalita ang lalaking laging may dalawa, si Jerwin.. Kumuha din siya ng bato at inihagis iyon na anim ang pagkatalbog kaya napangisi ako..





"Bored ako. Deretso ko uwi sa condo ko, hihiga lang ako at mag-aaral at kakain.. Maganda na rin iyong may gawin ako kahit papaano."





"'Wag mo sabihin na hindi ka pa nakapunta sa ilog?"





Umiling ako bilang sagot saka muling inihagis ang hawak kong bato na naging lima ang pagtalbog sa tubig..


The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon