Chapter 44

18 2 0
                                    

Pagdating sa bahay nila Samson at Mariyah ay inaasahan ko ng nandoon ang buong barkada, pero ang hindi ko inaasahan ay nandoon din sila Luan, Lucine, Ate Artemis, yung asawa't mga anak niya saka iyong si Viyuki..





"Oh, Ate? Luan, Lucine? Anong ginagawa niyo dito?" agad ko ng bungad sakanila dahilan para mapatayo silang tatlo at bumeso sa'kin bilang pabati..





"Well, nabanggit kasi sa'min nila Samson na maghahanda pala kayo ng venue for the Bridal's and Groom's shower so, napagpresintahan naming sumali sa pagdedesign.. Para na din may alam si Luan saka si Viyuki dahil halos dadalawang taon lang ay magpapakasal na ang dalawa na 'yan.."




Napangiti ako at tumango-tango saka tumikhim. "Ano? Tara? Sagot ko na yung condo, kayo?"





"Ako na sa dancers." tango ni Viyuki.. "Tutal, may kakilala naman si Tatay na mga dancer sa mga gan'yan.."





"Ako na sa mga alak!" masigla na sabi ni Toto na ikinailing-iling lang ni Diopay.





"Ako na sa pagkain." napatingin ako kay Jerwin at tinapik ang likod niya saka tumingin kay Lucine na nag-angat ng palad..





"Ako na po sa design nung pinakaloob ng condo, hehe.."





"Sige, pero bawal kang sumali sa pinakaparty, Lucine.." paalala ko sakaniya. "Masyado pang bata ang isip mo para sa ganoong klase ng bagay, okay? You too, Limluan.."





"Yes, Ma'am.."





Napatango ako at pumalakpak ng dalawang beses.. "So, let's start? Kayong mga brides, oumunta kayo sa mall kung gusto niyo.. Magprepare na kayo. Bumili na kayo ng mga damit niyo kung trip niyo, tatawagan namin kayo nila Lucine kapag tapos ng ayusin yung lahat, okay?"

The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon