Chapter 34

22 1 0
                                    

Kagat ang labi na kinukuskos ko ang kanan na palad habang nakatitig sa kawalan.. Napakaraming pumapasok sa isip ko lalo na't nasa paligid lang namin ang panganib.. Ni hindi namin alam kung kailan kikilos si Mariel. Masyado siyang maprotekta sa sarili. Alam na alam niya ang lahat ng mga pwede naming gawing hakbang.. Tunay nga na bihasa siya sa ganitong bagay..





Pero hindi ko hahayaan na magtagumpay siya sa mga balak niya.. Sisiguraduhin kong ang kabutihan ang mananalo sa laban na 'to, maliligtas ang pamilya ko at walang mapapahamak sa'min ni isa..





Napapikit ako at napabuntong-hininga saka nakapikit na kinuskos ang palad sa noo ko dahil pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari..





*TERIRIRING! TERIRIRING!*





Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa isang transparent glass table na nasa tabi ko, nagriring iyon. Nang makita ko ang pangalan ni Samson ay napataas ang kilay ko..





'Bakit naman kaya tumatawag 'to?'





Ang sabi kasi niya ay may pupuntahan siya at baka hindi niya na ako tawagan dahil magiging abala siya.. Ugali niya kasi iyong tatawagan ako oras-oras para ma-update ako kahit hindi ko naman tinanong..





"Oh? Ang akala ko ba may pupuntahan ka at hindi tatawag sa'kin kasi magiging busy ka?" bungad ko kaagad habang nakapikit at sinusuklay ang buhok ko..





"[Aba, kailan ko sinabi 'yon?!]"





Agad akong napabalikwas ng upo at napailing-iling dahil tila nabingi ako sa boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na iyon, kabisado ko siya.. Lalo na ang boses niya..





"J-Jerwin? Ikaw ba 'yan!?"



The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon