Unang araw palang ng klase ay marami na akong nakakasalumuha na mga baliw.. Hindi ako na-inform na big deal na pala para sakanila na nag-iba ang itsura ko at ultimong ugali ko. Bakit ba parang napakahalaga sakanila ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao? Samantalang, may sarili naman silang buhay na pwedeng-pwede nilang pakielaman, oras-oras..
Habang naglalakad sa corridor papunta sa labas na canteen ay lahat nanaman ng mga estudyante ay napako ang tingin sa'kin na animo'y nandidiri dahil sa ginagawa kong kilos.
"Bakit nag-iba na siya?? Hindi naman siya gan'yan kung maglakad noon, 'di ba?"
"Oo nga, eh.. Ano bang nangyari sakaniya? Tomboy na siya?"
"Sayang siya, 'no? Nasa kaniya na nga lahat, nagtomboy pa.."
"Literal na sayang.."
"Kaya siguro iba na yung girlfriend ni Kentroi, 'no? Siguro, naghiwalay sila kasi Tomboy na si Venus.."
Hindi ko maiwasang paikutan sila ng mga mata nang marinig ang malalakas nilang bulungan.. Ni hindi ko nga alam kung pinilit ba nilang hindi ko marinig eh, ang lalakas ng boses.
Tuluyan na sana akong tutungo sa canteen nang may humarang sa'kin. At as usual, sila ay grupo ng babae..
"Hey, Venus!" bati sa'kin ni Sasha..
Napasulyap ako sa gilid at napabuntong-hininga.. "Kailangan mo?"
"Woah! Talaga ngang nag-iba ka.. Bakit? Ipinagpalit ka na ba ni Kentroi doon sa Katy? So sad naman.." mapang-asar niyang sabi at tumawa pa, ang ikinaiinis ko pa ay iyong tawa ng mga kasama niya. Ipit na ipit? "Sabi ko naman kasi sa'yo na hindi kayo magtatagal niyang si Kentroi! Magsasawa't magsasawa parin siya sa'yo.."
"Anong gusto mong iparating ngayon?"
"Wala.. Ipinaparealize ko lang sa'yo na mali ka ng desisyon at pinili mo ang supot na 'yon."
Napangiwi ako ng tipid at bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko. Pagod na pagod na ako sa pakikipagsagutan, baka kapag tuluyan ng nawalan ng gana ang bibig ko ay baka ang kamao ko na lang ang kusang mag-volunteer na makipag-usap. Doon sa brutal na paraan.
"Paano mo nalaman na supot siya? Nakita mo ba?"
"Hindi, pero halata.. Dzuh? Ikaw lang naman kasi 'tong si Tanga na nagpapakagago sakaniya." ngisi niya at humakbang ng isang hakbang sa'kin saka tumingala ng kaonti dahil medyo maliit siya kumpara sa'kin..
Napakunot saglit ang mga kilay ko nang iangat niya ang kamay at simulang haplusin ang pisnge ko.. Napatitig ako sakaniya nang may halong pagtataka dahil sa ikinilos niya..
"Alam mo, Venus.. Kahit nag-iba ka? Kahit naging malamig ka kumpara noong napakainit ng puso mo? Gustong-gusto parin kita.."
Agad kong hinawi ang palad niya at pinagpagan ang mukha ko na hinaplos niya.. "Hanggang ngayon parin ba ay baliw ka?"
"Paano kung sabihin kong, oo?"
"Manahimik ka nga.." inis ko ng sabi ngunit pinanatili ko ang pagiging kalmado ko.
BINABASA MO ANG
The New Me
RandomMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...