Chapter 24

18 0 0
                                    

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa bahay namin.. Tahimik ang bahay at hula ko ng wala doon ang magkapatid na Katy at Snaky.. S'yempre, hula ko ng nasa mga gago sila. Expected na iyon.





Pumunta ako dito kasi hiniling ni Daddy. Gusto niya daw kasi magdinner kami para sa fan signing bukas ni Luan. Pumayag na din ako dahil kuminsido ako, pero iyong makakasama namin si Mariel sa hapag? Naiirita lang ako, lalo na't hindi ko pa nakakalimutan ang pagsubok niya sa pang-bebrain wash sa'kin.





'Ako pa ang hinamon niya, sapakin ko siya eh..'




Pagkapasok ko sa loob ay inaasahan ko na ang pagyukod ng mga maids namin. Sunod non ay kinamusta nila ako na sinasagot ko naman.. Sanay na din naman ako kahit hindi na ako madalas kung dumalaw dito. Palagi silang excited sa twing nakakauwi ako dito nang hindi ko man lang alam ang dahilan.





"Venus, is that you??"





Napatingala ako sa hagdanan at napangiti ng tipid nang makita si Daddy doon. Sa tabi niya si Mariel na yakap niya sa bewang..





"Hey, Dad.." bati ko.





Ang inaakala ko ay sabay sila ni Mariel na bababa para sana salubungin ako pero napaangat ko ang isang kilay nang dali-daling tanggalin ni Daddy ang pagkasapo sa bewang ni Mariel na ikinagulat naman ng bruha..





Tumakbo si Daddy sa'kin at hindi ko pa tuluyan na napoproseso sa utak ko ang ginawa ni Daddy nang bigla na niya akong yakapin ng pagkahigpit-higpit at isubsob ang mukha niya sa balikat ko na animo'y isang batang iniwan ng ina niya..





"Ah, I miss you.. so very much,"





Napangiti ako ng tipid at tumingin kay Mariel na nakatitig sa'min.. Dahan-dahang pumorma ang mapang-asar na ngisi ko na ikinadilim ng mga mata niya..





The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon