Chapter 10

26 1 0
                                    

Nagising ako sa lakas at tuloy-tuloy na pag-ring ng cellphone ko. Alas-sais palang ng umaga at hindi ko alam kung sino ba ang tumatawag. Walang sinuman ang tumatawag sa'kin ng ganitong oras, kung meron man ay si..







Agad akong napabalikwas ng upo nang maisip kung sino ba ang posibleng tumatawag sa'kin. Agad kong tinignan ang caller at natataranta na sinagot 'yon..







"Ate!" masigla at tuwang-tuwa kong tawag. Nanginginig ang katawan ko sa tuwa at excitement dahil matagal na panahon din kaming hindi nag-uusap at unexpected 'to!







"[Ugh.. I fvcking miss your voice, Venus..]" tila napapagod na sabi ni Ate..







"Bakit ngayon ka lang tumawag sa'kin, Ate? Tatlong bwan kong hinintay na tumawag ka tapos, ngayon ka lang nagparamdam?"







"[I'm sorry.. Tyinetyempohan ko lang. Alam kong alam mo na minamanmanan ni Daddy ang galaw ko, at isa ka sa pwede niyang gamitin sa'kin. Pareho kaming dalawa. Pareho kaming dalawa na kahinaan ka.]"







Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon. Oo, masungit at maldita si Ate pero napakalambing niya pagdating sa'min ni Luan, lalo na sa'kin. Para na nga siyang tumatayo bilang Ate at Kuya namin ni Luan, eh. Dala-dalawa kasi ang ugali niya.







Hindi mo maiintindihan kung lalaki ba siya o babae..







"Ate.. Kailan ka ba uuwi dito? Namimiss na kita. Kami nila Mommy, lalo na ni Daddy.."







Narinig ko ang buntong-hininga ni Ate at tumakla pa.. "['Wag mo ngang isali dito si Daddy.. Ayaw kong marinig ang lahat ng tungkol sakaniya. Naiinis ako.]"







"Ate naman.. Daddy parin natin siya. At panganay ka niya. Normal iyon sa ama na mamiss ang kauna-unahan niyang anak."







"[Kung namimiss niya ako, gagawa siya ng paraan para makauwi ako. At ang magiging paraan lang para umuwi ako sakaniya ay hiwalayan niya ang Mariel na 'yan at makipagbalikan kay Mommy..]"







Napanguso ako at bumuntong-hininga.. "Ate.. Pareho nating alam na si Tita Mariel at Daddy ay in love talaga sa isa't isa. Wala na tayong magagawa doon.."







"[Tss.. Posible. Venus, mag-isip ka.. Kung in love na in love sila sa isa't isa bakit nakatatlo si Daddy at Mommy? Isa pa, hiwalay na si Mommy at Daddy pero makalipas ng dalawang taon ay nabuo si Luan? Tell me, in love pa ba kung tignan doon si Daddy?]"







Napatigil ako at nakinig lang sa kwento ni Ate.. Alam kong may masasabi siya na posibleng sagot sa mga tanong ko na nakatambak na sa utak ko..







"[Alam kong may iba kay Daddy. Hindi lang niya maamin sa sarili niya.. Hindi mabuting estudyante at binata noon si Daddy. Palagi siyang nasasangkot sa gulo at worst, leader pa siya ng isang gang noon sa school. Takaw-gulo siya. Sa madaling salita, bad boy..]"







Napataas ang dalawa kong kilay sa gulat at napatakip sa bibig ko dahil namumuo na ang excitement sa'kin.. Gusto ko pang malaman kung bakit nga ba nagkatagpo ang mga magulang namin..







The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon