Chapter 05

25 1 0
                                    

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay agad akong bumaba at dumeretso sa dining area. Naabutan ko si Daddy, Tita Mariel, Snaky at Katy na siguro ay katulad ko, na kabababa lang.




"Good morning, Tita Mariel. Snaky and Katy," bati ko kaagad dahilan para mapunta ang atensyon nila sa'kin.





"Oh, good morning, Venus.." ngiting bati ni Tita Mariel na sinundan ng dalawa niyang anak.





Agad akong pumunta kay Daddy para halikan siya sa pisnge.. "Good morning, Dad.."





"You're more beautiful than morning, sweetheart.. Glad you're here,"





Napangiti na lang ako saka umupo sa tabi ni Katy na ngumiti sa'kin, katapat ko si Daddy..





"Where's Luan?" tanong ni Daddy kay Manang Delya..





"Nasa kwarto pa ho niya, Sir.."





"Gano'n ba? Pakitawag naman, Manang. Ayoko ng hindi sabay-sabay kung kumain."





"Sige po, Sir."





Habang hinihintay namin si Luan na makababa ay biglang nagsalita si Daddy.. "Uhm, since.. Dito na titira sila Tita Mariel mo, Venus. And magiging parte na din sila ng pamilya natin. Okay lang ba sa iyo kung ilipat namin si Katy at Snaky sa pinag-aaralan mo?"





Napatitig ako kay Daddy at sumulyap kay Tita Mariel na nakatingin sa cellphone niya pero alam kong nakikinig siya. Sila Katy at Snaky naman ay nagcecellphone din pero katulad ng ina ay nagkikinig.

The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon