Napabuntong-hininga ako at napahawak sa ulo ko nang umalingawngaw sa kwarto ko ang napakaingay at napakalakas na tugtog, at alam ko na kaagad kung sino 'yon..
"Fvck, Luan! Anong trip mo?!" sigaw ko habang nakapikit..
Antok na antok pa 'ko dahil hindi ako nakatulog kagabi ng maaga dahil sa bwisit na hawak ni Jerwin sa bewang ko na 'yan! Nakakainis! Hawak lang naman 'yon sa bewang, hinahawakan din naman ako nila Samson at nila Daddy doon pero bakit nung siya na yung gumawa, hindi na natanggal sa isip ko? Nababaliw na yata ako..
"Kanina pa kasi nagri-ring 'yang cellphone mo.. Kaya nagpatugtog ako para magising ka, kesa naman na yugyugin kita.. Now that you're awake, my job is done!"
Napatago ko ang ulo sa kumot ko saka napapadyak ng mahina. Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha at nakapikit na sinagot..
"Sino ba 'to?? Aga-aga, tumatawag!"
"[Aba, inamoka ah! Aattitude-an mo pa 'ko!]"
Napabalikwas ako ng upo at napahawak sa ulo ko dahil biglaan yung sumakit sa biglaan kong pag-upo.. "J-jerwin?"
"[OO, BAKET?! Kapal mo! Ikaw pa galit d'yan! 30 minutes na kaya akong nakatayo dito sa gate niyo! Iitim ako, Lady Gurl!]"
"Tang ina, eh bakit kasi nand'yan ka?"
"[Lilibre kita, 'di ba? Dahil sa kadugaan mo kahapon?! Dalian mo na d'yan, hmp!]"
"Oo na.. Eto na.."
BINABASA MO ANG
The New Me
RandomMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...