"VENUS! VENUS! WAKE UP! WE'RE HERE!"
Nagising ako sa pagkakatulog ko nang alugin ni Tricia ang mundo at gawing bingi ang mga tenga ko.. Grabe kung makayugyog ang isang 'to na tila tatanggalin na yata ang mga buto ko. Alam ko namang excited siya pero kailangan bang manakit?
"Alam mo, ikaw? Imbes na maganda ang gising ko, mababad mood pa 'ko. Kapag ginigising ba kita, inaalog ko yung mundo?"
"Artehan nito! Kanina pa kaya kita ginigising! Wala ng mga tao dito!"
Napatayo naman ako at napabalik din sa upuan nang mauntog ako sa may lalagyanan ng mga bagahe.. "Oh, tanga!"
Napa-irap ako kay Tricia at tumikhim.. "Tara na nga, bwisit ka talaga.. Maharot!"
"At least, maganda.."
"Hindi ako maharot pero maganda ako.."
"Wala namang boyfriend."
"Nagsalita ang meron?"
"Magkakaroon, hoy.."
"Kailan? Susunod na pasko?"
"Mamaya.. Sasakyan ko yung piloto--ayy! aray, ha!"
BINABASA MO ANG
The New Me
RandomMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...