Umuwi ako kay Mommy ng namamaga ang mga mata ko at pulang-pula ang mukha ko. Nanginginig din ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan.. Nang makita ako ni Mommy ay sinalubong niya kaagad ako ng yakap na mahigpit at doon ko nanaman hindi napigilan ang sarili ko na mapaluha dahil sa naramdaman kong pagdamay sa bisig ng ina ko.
"It's okay, baby.. It's okay.." mahina niyang bulong habang sinusuklay ang buhok ko habang tumatango-tango..
Lumapit sa'kin si Ate at Luan na nandoon pala.. Niyakap din nila ako at dinamayan. Hindi umiiyak si Ate Artemis at Luan pero alam kong malungkot sila dahil ngayon lang ako ulit umiyak sakanila ng ganoon..
"I.. I e-explained everything to him, A-ate.. I.. I tried to c-convinced him to.. to cancel the wedding and b-believe me but he didn't, Ate.. He didn't.."
"It's okay, Venus.. It's okay.."
"K-kinampihan ko siya.. Dinamayan ko s-siya.. Sinuportahan k-ko siya.. H-hindi ko siya iniwan.. P-pero, hindi niya tayo pinili.. M-mas pinili niya ang babae n-na 'yon.. Ate, ang sama sama ko b-ba dahil pinilit ko siyang p-pumili? Masama bang maging s-selfish?"
"No, Venus.. It's better na malaman mo na ang totoo sakaniya. He didn't choose us because he love his Mariel more than us.. Pinatunayan lang niya sa'tin na wala siyang kwentang ama.."
"Artemis, watch your mouth.. He's still your father.." saway ni Mommy kay Ate Artemis.
Aktong sisimabgot si Ate nang may kumalabog sa gate.. Agad naman naming tinignan kung ano ang meron pero nang makita ko si Daddy na pilit kumakatok habang sinisigaw ang pangalan ko..
"Venus, please! Venus! Let me explain, please!"
Tumingin ako kay Ate Artemis at Luan na nakaalalay sa'kin.. Blangko ang mga mukha nila na nakatingin sa harapan.
BINABASA MO ANG
The New Me
RandomMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...