Chapter 45

18 3 0
                                    

Napakunot ang noo ko nang makita kung gaano karami ang mga tao ang nagtutumpukan sa court. May drawing contest kasi doon pero ang ipinagtataka ko, bakit nagdudumugan ang tao? Base kasi sa mga ugali ng mga tao dito, hindi sila gano'n kainterisado sa mga contestant na nagdodrawing dahil para sakanila ay boring iyon, pero para sa'kin ang ang ganda-ganda ng larangan na iyon. Hindi lahat ng tao may gano'ng klase ng talento.

"Ang ganda talaga niya, 'no?"

"Oo nga, eh.. Halatang anak siya ng mayaman kasi ang kinis kinis ng balat niya."

"Grabe talaga siya, 'no? Hindi ko talaga maiwasan na mamangha sakaniya kahit araw-araw ko siyang nakikita! Gusto kong mainis pero bakit parang nagkakacrush pa 'ko sakaniya?!"

Napakurap-kurap ako at tumabi sa nga babaeng nagkukwentuhan.. "Ah, mga Miss.. Tanong ko lang.." napalingon sila sa'kin.. "Sino ba yung tinutukoy niyo? Saka bakit ang daming tao sa court?"

"Ay, kuya.. Hindi mo ba narinig? May contest po sa Court.."

"Alam kong may contest pero bakit ang dami yatang nanonood, anong meron?"

"Ah!" tango nung isang babae.. "Kasali kasi si Ms. Perfect d'yan sa contest. Pumunta lang din kami dito para malaman kung nandito nga siya.."

"Ms. Perfect?" kunot na noo na tanong ko at pumasok sa court.. Nakakagulat talaga ang dami ng tao at halos lahat sakanila ay nakaangat ang mga mamahaling gadgets na tila may kinukuhanan ng litrato.

Dahil chismoso akong tao, nakisingit ako doon sa mga estudyante na nasa pinakaharap at pinakamalapit doon sa mga contestants na abala at seryoso sa mga ginagawa nila.. May mga malalaking canvas ang nasa harap nila habang masinsinan na nagguguhit at nagpipinta..

"Ah, tanong ko lang.." kalabit ko sa isang babaeng maliit at maiksi ang buhok.. "Bakit kayo nagtitilian? Anong meron?"

"Kita mo yun, Kuya?" turo niya sa isang babae na nasa dulo pero malapit sa gawi namin. Nang makita ko na ang mukha non ay napaawang ko ang labi at napatitig doon..

Nasa sulok siya pero nagniningning ang paligid niya na para bang isa siyang bituin o 'di kaya'y araw dahil sa liwanag na ibinibigay niya.. Ang mukha niya ay napakainosente at nang sumulyap siya sa paligid ay napangiti siya na hindi ko alam kung bakit ikinahabol ko ng hininga..

"Ang ganda niya, 'di ba? Siya si Ms. Perfect! Sobrang ganda niya at aakalain mo ng isa siyang anak ng diwata dahil sa puti niya.."

"A-anong pangalan niya?"

"Siya? Ang pangalan niya ay Venus Jimenez.."

"J-jimenez? 'Di ba.. yun yung may-ari ng TDS?"

"Opo, Kuya! Kaya nga siya tinawag na Ms. Perfect.. Si Ate Venus kasi, bukod sa maganda siya, mayaman din siya, plus pa na mabait siya at mahinhin.. Sports oriented din siya at magaling siya sa larangan ng pagguhit.. Top student din siya dito kaya, hindi maiiwasan na tawagin siyang Ms. Perfect.."

Kahit nag-uusap kami nung maliit na babae ay hindi ko maialis ang tingin sa babae na iyon.. Hindi ko maitatanggi na pati ako ay nagagandahan sakaniya. Kakaiba ang ibinibigay niyang karisma, sobrang ganda ng balat niya. Tila isang gatas at isang marshmallow iyon dahil mukhang malambot kung hahawakan o madadampian. May maganda siyang mga mata na kulay itim at tsokolate, ang mga kilay namn niya ay sakto lang ang kapal at maganda ang hugis.. Ang ilong naman niya ay napakatangos at napakakinis. Ang panga niya ay saktong-sakto para sa isang babae. Mas tumitingkad din ang kutis niya dahil sa pagkapurong itim ng paalon niyang buhok na hindi ko alam kung bakit ba hinahangaan ko din..

The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon