Chapter 37

16 1 0
                                    

Nagising ako kinabukasan ng halos magtatanghali na.. Bukas na din ang mga kurtina na itim sa kwarto ko at ang masasabi ko lang ay napakaganda nga ng paligid. Wala akong masabi sa ganda ito.. Itong pinagkalagyan ng bahay ni Tita Tarantina ay talagang pinag-isipan niyang mabuti.. Hindi ko alam pero kami siguro iyong pamilya na hindi magkakasundo sa maraming bagay pero kapag dating na sa kapaligiran ay magkakasundo na kami.





"Magandang tanghali, Miss Venus.." yukod ni Manang Weki, ang mayordoma ng bahay.. Naglilinis ang ibang kasambahay sa sala at ang iba naman ay sa hagdanan nang bumaba ako para kumain..





"Magandang tanghali din po, ano po ang pwede kong kainin para sa tanghalian?"





"Ano po ba ang gusto niyong kainin? Ang sabi po kasi sa'kin ng mga yaya niyo ay kayo ang tanungin ko dahil paminsan-minsan ay paiba-iba ang panlasa niyo.."





"Ah, siguro po iyong madalas niyo na lang iluto para kay Ate.. At speaking of my yaya's, saan po pala sila? Hindi ko sila nakasalubong sa daanan kanina.."





"Nagpaalam sila sa'kin na aalis muna sila para asikasuhin ang enrollment niyo sa papasukan niyong eskwelahan.. Para daw wala na kayong iintindihin at gagawin pa."





"Ah, gano'n po ba? Sige.. Samahan ko na lang kayo sa kusina since wala naman po akong ginagawa, eh.." presinta ko na hindi naman nito ikinatanggi, agad na akong sumunod sakaniya dahil dumeretso na agad siya sa kusina.





Pagkapasok namin doon ay napatigil ang ibang mga kasam-bahay na nililinisan o 'di kaya'y pinupunasan ang counter at lababo pati na rin ang mga kagamitan sa kusina.. Yumukod sila sa'kin at bumati pa ng magandang tanghali sa'kin..





Agad-agad silang lumabas ng kusina at ang tangi na lamang na natira sa kusina ay ako at si Manang Weki.. Pinanood ko kung paano ihanda ni Manang Weki ang lahat ng gagamitin hanggang sa magsimula siyang daldalin ako habang sinisimulan na ang pagluluto..





The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon