Chapter 31

18 0 0
                                    

"Ate, wake up.. Ate.."





Napailing ako at napaunat nang marinig ang boses ni Luan na tila ginigising ako.. Hindi ko muna iminulat ang mga mata dahil medyo nararamdaman ko pang mabigat iyon dahil sa antok.





"Ate, gumising ka na.. Magbebreakfast tayo kasama si Daddy." muling panggigising sa'kin ni Luan at doon ko na iminulat ang mga mata..





Umupo agad ako sa kama at tinitigan siya. Itim ang suot niyang sweater at itim na cargo pants at itim na combat boots.. Para lang siyang tatambay sa bahay dahil sa ayos niya. May nakasabit ding itim na headphone sa leeg niya habang hawak niya sa isang palad ang cellphone niya.





"Kanina ka pa dito?" tanong ko sakaniya at kinuha ang brush na nakapatong lang sa side table ko at nagsimulang isuklay ang buhok ko..





"Kakadating ko lang din.. Currently, it's 8 am and dapat natutulog pa 'ko but my Yaya's wake me up because Dad wants us to have a breakfast with him.."





"Sino kasama?"





"Three of us.."





Napataas ang dalawang kilay ko.. "Are you sure na tayong tatlo lang?"





"Yes.. Ate Artemis is already here."





Agad namang may kumalabog sa dibdib ko nang sabihin iyon ni Luan. Nakatitig siya sa'kin at halatang inaasahan na ang ekspresyon na ibinigay ko..





"Are you for real?!"



The New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon