Napatingin ako kay Yaya Melanie nang lumabas siya ng kusina ko. Kasama niya si Shanshan. Sa likod ko naman ay si Draven at Queenie na bahagyang inaayos ang uniform na suot ko.
Si Queenie ay hawak ang brief case at itim kong bag na naglalaman lang naman ng extra shirts at yung iba ay pang-hygiene ko na lang, katulad na lang ng mga alcohols, hand sanitizers, pabango, sanitary pads, and many more.
Pinasunod ko sila dito sa condo ko dahil 'yon ang sinabi ni Daddy. May tatlo rin akong security guards d'yan sa labas ng condo ko dahil 'yon din ang utos ni Daddy. Protocol is protocol, right..
"Ayan, nakapag-ayos ka na pala, Miss! Naghanda na ako ng almusal mo!"
"I'll take the sandwich. And the milk."
"Miss naman.. First day class mo ngayon, hindi pwedeng hindi ka kumain ng almusal."
"Kaya nga, kukuhanin ko na yung sandwich.." agad kong sabi at napatingin kay Sike na kakapasok lang ng condo. "Glad you're already arrive, give me my cellphone.."
Agad nitong inabot sa'kin ang maliit na paper bag kaya agad ko iyong binuksan at bumungad sa'kin ang Samsung Galaxy S22 Ultra na Kulay dark green..
Dali-dali ko namang inilagay ang battery non na alam ko ng na-icharge na ni Sike, dahil iyon ang inutos ko sakaniya.. Inilagay ko din ang pen non at kinuha kay Sike ang glittery and galaxy blue case na pinabili ko din sakaniya.
"Miss, oh.." abot naman sa'kin ni Melanie ng paperbag na may pagkamaliit na may laman na taylong sandwich.. "Bibili na lang ako ng gatas mo mamaya sa canteen niyo,"
"Okay. Let's go. Ayaw kong malate sa unang klase ko."
BINABASA MO ANG
The New Me
RandomMayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang na...