Chapter 32

1.7K 113 25
                                    

3rd Person's POV

"Sisa, let's share a room ha?" Umangkla si Kate sa braso ni Sisa na medyo ikinagulat ni Sisa.

Nahihiyang tumingin si Sisa kay Kate. "W-wag na...kami na lang ni Arnold ang mag iisang kwarto--"

"No!" Naagaw ni Elizar ang atensyon ng dalawa nang sumigaw s'ya.

Nakasunod pala sa kanila si Elizar at nakikinig sa usapan nila. Gabi na at nasa isang bahay-tuluyan sila sa isla ng Imogen.Inuna nilang libutin ang isla ng Imogen at isusunod ang Antalia bukas. Pagabi na nang matapos nilang suyurin ang isla ng Imogen at kaya napagpasyahan nilang tumuloy nalang sa isa sa mga bahay tuluyan dito at dito na magpalipas ng gabi. Aagahan na lang nila ang alis bukas.

"Babe?" Nakakunot noong tanong ni Kate.

Hindi mapakaling itinapat ni Elizar ang cellphone n'ya sa tenga n'ya. "N-no! D-don't do that!" Kunyaring sigaw ni Elizar sa cellphone n'ya kahit wala naman syang kausap.

"Babe, walang signal dito...and your phone...is...upside-down?"

Nailayo ni Elizar ang cellphone n'ya at tumingin doon. Napapikit s'ya at napahawak sa ulo nang makitang baliktad nga ang cellphone n'ya. Tumalikod s'ya ng hindi man lang tumitingin kila Kate. Nagtataka pa rin ang ekspresyon nila Kate at Sisa na nakatingin sa likod ni Elizar.

"M-mag si-cr m-muna ako..." Nakatalikod na sabi ni Elizar. Iika-ika syang naglakad palayo kila Kate.

"But babe, there's a restroom in your room."

"I'll take the lobby's restroom..."

Nag madaling umalis si Elizar doon at bumaba sa lobby ng hotel. Nadatnan n'ya si Arnold at iba pang mga lalaking magbu-book ng mga kwarto. Nilapitan n'ya si Arnold na nakikipag usap sa isang receptionist.

"You'll sleep with me." Walang emosyong bulong ni Elizar kay Arnold.

Naagaw naman nun ang atensyon ni Arnold. Nang mapagtanto nyang si Elizar iyon ay agad syang nag bow.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang na tanong ni Arnold.

"You'll sleep with me." Ulit ni Elizar.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Arnold "H-hindi po t-tayo talo..."

"Asshole! You'll sleep in my room, Gago...ginawa mo pa akong bakla, tss..."

Nakahinga nang maluwag si Arnold at tumango. "Mauna na po kayo at aasikasuhin ko po muna itong mga kasamahan natin."

"No...sabay na tayo."

"O-oh sige po...maupo muna po kayo roon."

"Hindi na...."

"Opo." Nagtataka man ay hinayaan na ni Arnold si Elizar sa gusto nitong gawin.

Hinintay ni  Elizar si Arnold. Makalipas ang halos kalahating oras ay hindi pa rin natatapos si Arnold sa pag book.

"Matagal pa ba yan?" may bahid na ng inis sa tono ng boses ni Elizar.

"Kasi Boss hindi sapat ang kwarto nila rito..."

"Ilang tao ba ang hindi pa nakukuhanan?"

"Mahigit apat-napu pa po."

Binalingan ng tingin ni Elizar ang receptionist. "How many rooms does this hotel has?! This hotel is huge! How come that it wasn't enough for all of us?!"

"A-all the r-rooms were o-occupied b-by your g-group, Sir."

Ibinalik ni Elizar ang tingin kay Arnold. "Call Elias. Let him sort this out!"

"Opo." Nagmamadali namang tinawagan ni Arnold si Elias upang ipaalam ang room shortage at kung ano ang dapat gawin. Nang matapos mag usap ni Arnold at Elias ay nag bow ulit s'ya kay Elizar  "We are sorry for this inconvenience. Ang sabi ni Boss Elias ay mag utos ng taong bibili ng fifteen pieces family sized tent." Dahil nagkaproblema sa mansyon ay kinailangang umuwi ni Elias at bumalik na lang.

"Good. Mag utos ka na roon at nang maka akyat na tayo."

Tumango si Arnold at lumapit sa isang lalaki. May ibinulong s'ya roon at may card na iniabot.

Bumalik s'ya sa harap ni Elizar "Okay na po."

Tinalikuran s'ya ni Elizar at naglakad papunta sa kwarto n'ya. Sumunod naman agad si Arnold.

****

Nang matapos maligo ni Sisa ay kumain na sila. Sa kwarto ni Kate pa rin ang bagsak ni Sisa dahil sa pagiging makulit ni Kate.

Gusto nyang lumabas ng kwarto at magpahangin kaya nagpaalam s'ya kay Kate na lalabas muna s'ya at magpapa hangin. Lumabas si Sisa at dumiretso sa veranda ng hotel. Tumambad sa kanya ang kumikinang na dagat.

Napayakap s'ya sa sarili n'ya nang tumama sa balat nya ang malamig na simoy ng hangin. Humugot s'ya ng hininga at ibinuga iyon. She misses her family. Very much.

'Nasan na kaya kayo ngayon, Inay?'  Bulong n'ya sa isip n'ya.

Nagulat s'ya nang may kung anong bumalot sa mga balikat n'ya. Tumingin s'ya sa mga balikat n'ya at may nakasabit nang cotton jacket. Tumingin s'ya sa taong nagsabit ng jacket sa ka'nya at mabilis s'yang napangiti.

Si Arnold.

Nagtama ang mga tingin nila ngunit si Sisa na ang umiwas ng tingin.

"Kamusta ka na?" Panimula ni Arnold.

Tumingin si Sisa sa karagatan. "E'to. Nangungulila pa rin." Ngumiti nang mapait si Sisa.

"Kay Elizar o sa pamilya mo?"

Bumuntong hininga si Sisa. "Pareho..."

"Mahal mo pa pala?" medyo napalakas ang boses ni Arnold na s'yang ikinatawa ng mahina ni Sisa. Tumango si Sisa. "Eh ako? Kailan mo ako mamahalin?" Napatingin si Sisa kay Arnold.

Hindi n'ya maintindihan ang tanong ni Arnold.

"A-anong klaseng tanong yan? Syempre mahal kita." Naiilang na tumawa si Sisa. "Kaibigan kita, eh." Sagot ni Sisa.

Mapait na ngumiti si Arnold na tumingin din sa dalaga.

Ginulo nito ang buhok ni Sisa saka tinitigan sa mga mata. "Mahal din kita, Sisa. Mahal na mahal..."

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now