Chapter 79

1.3K 77 14
                                    

Kiano's POV 

"Konti nalang po ito, Nay. Ilang subo nalang." Umiling s'ya at mahinang itinulak ang mangkok ng sopas na hinatid nung Elkhart. Maliban doon kay Sisa ay si Elkhart ang madalas na naghahatid ng mga kinakain namin at naglalabas ng mga kinainan namin, tatlong beses sa isang araw.

Inilapag ko ang mangkok sa maliit na lamesa katabi ng kama. "Kumain ka na rin, Kiano." Nakangiti ko s'yang nilingon at tumango. 

"Opo." Iniligpit ko ang mga pinagkainan ni Nanay. "Kamusta po ang pakiramdam n'yo? masakit pa po ba ang ulo at katawan n'yo?"

Nilingon ko s'ya at nakatingin din pala s'ya sa akin. Umiling-iling s'ya saka ngumiti. "Bumubuti na ang pakiramdam ko, Anak. Salamat doon sa gamot na ibinigay nung babae."

"Sisa po ang pangalan nun." Bumalik ako sa paglilugpit at pag-aayos ng kakainin kong agahan.

"Talaga? Unang kita ko pa lang sa batang iyon ay alam ko nang iba s'ya sa mga Revas. Naalala ko ang sarili ko sa kanya." Narinig ko ang mahina n'yang buntong-hininga.

"Kawawa nga rin po 'yun, eh. Ibinenta raw s'ya sa mga Revas ng mga magulang n'ya noong labing-apat na taong gulang pa lang s'ya."

"Narinig ko nga ang usapan n'yo..." Muli s'yang bumuntong-hininga.

Ramdam ko sa boses ni Nanay na may bumabagabag sa kanya. "Miss mo po si Kiko?" Nilingon ko s'ya at umupo sa tabi n'ya saka yumakap sa tyan n'ya. Sinimulan n'yang haplos-haplusin ang buhok ko.

"Sobra pa sa sobra."

"Ako rin po, Nay." Hindi s'ya sumagot at hinaplos-haplos nalang ang buhok ko. 

Parang imaheng sumagi sa mata ko ang mukha ni Kasandra. Parang may mabigat na bagay ang nagpabigat sa nararamdam ko. "Cathleya nga po talaga ang totoong pangalan ni Kasandra..." Bulong ko pero sapat na para marinig n'ya."Narinig kong tinawag s'yang Cathleya nung kumain kami nang sabay-sabay.  Mukhang hindi rin talaga totoong wala s'yang maalala gaya ng sinabi n'ya noon sa isla. Medyo nawalan po ako ng tiwala sa kanya nung umamin po sya."

"Kahit na sinabi na n'ya ang dahilan, sa tingin mo, bakit nga ba s'ya nagsinungaling? Sa tingin mo, may iba pa bang dahilan?"

Bumuntong-hininga ako saka bumangon at umayos ng upo. "Wala akong ideya, Nay."

"Kamusta na kaya s'ya? Sana nasa mabuting lagay s'ya. Sila ni Rap-Rap."

Sasagot na dapat ako nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis kong nilingon ang pinto at mabilis na napatayo nang makita ko si Elkhart na may dalang malalaking cellophane.

"Anong ginagawa mo rito? May agahan na kami. Anong kailangan mo?" Matigas na tanong ko. Masama ko s'yang tinignan at gaya ng dati ay walang emosyon s'yang pumasok at sinara ang pinto. 

Habang papalapit s'ya ay dahan-dahan kong hinahawakan sa kamay si Nanay. Inilapag n'ya ang malaking cellophane sa kama at tinignan si Nanay saka tinignan ako.

"Two days from now, there will be a grand ball. Ang nasa loob n'yan ay ang mga susuotin mo. Gaya ng dati, maiiwan ang nanay mo rito. Susunod ka sa mga sasabihin ko. Naiintindihan mo?" Hindi ako sumagot at pinanatili ang sama ng tingin sa kanya.

Tinalikuran n'ya ako at naglakad papunta sa pinto. Hindi pa man n'ya nabubuksan ang pinto ay tumigil s'ya sa paglalakad. "Dalawang araw mula ngayon ay ipakikilala kita sa buong mundo. Kaya ihanda mo ang sarili mo at 'wag na 'wag kang magtangkang gumawa ng gulo." Nilingon n'ya ako. "Hawak ko ang buhay ng nanay at ng  kapatid mo."

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now